< 1 Mga Cronica 12 >

1 Ito ang mga kalalakihang pumunta kay David sa Ziklag, nang siya ay natatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga kawal, na mga katulong niya sa pakikipaglaban.
[投奔達味的戰士]當達味尚在逃避克士的兒子撒烏耳時,這些人就來到戚刻拉格,投奔達味。他們都是些勇士,善於作戰,
2 Sila ay may dalang mga pana at kaya nilang gamitin ang parehong kanan at kaliwang kamay sa pagtirador at sa pagpana ng mga palaso mula sa pana. Sila ay galing sa lahi ni Benjamin, na kalahi ni Saul
能左右開弓,發石射傷的人,是本雅明人,為撒烏耳的同族兄弟;
3 Ang pinuno ay si Ahiezer; sumunod si Joas —sila ay parehong anak ni Semaa na taga-Gibea. Sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Asmavet. Naroon din si Beraca at Jehu na taga-Anatot,
為首的是阿希厄則耳,其次為基貝亞人舍瑪亞的兒子約阿士,阿次瑪委特的兒子耶齊耳和培肋特,貝辣加和阿納托特人耶胡,
4 si Ismaias na taga-Gebion na isang sundalo na kasama sa tatlumpu at siyang namumuno sa tatlumpu, sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na mga taga-Gedera,
基貝紅人依市瑪雅,他在三十勇士之中,且是三十勇士的首領; 還有耶勒米雅,雅哈齊耳,約哈南和革德爾人的約匝巴得,
5 Sina Eluzai, Jerimot, Balias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf,
厄路齋,耶黎摩特,貝阿里雅,舍瑪黎雅和哈黎夫人舍法提雅,
6 ang mga taga-Korah na sina Elkana, Isaias, Azarel, Joezer, Jesobeam, at
厄耳卡納,依史雅,阿匝勒耳,約厄則爾和瑪芍貝罕,科辣黑人,
7 Joela, at Zebadias, na mga anak ni Joram na taga-Gedor.
又有革多爾人耶洛罕的兒子約厄拉和則巴狄雅。
8 Ilan sa mga taga-Gad ay umanib kay David sa matibay na tanggulan sa ilang. Sila ay mga mandirigma, mga kalalakihang sinanay para sa digmaan, na kayang humawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha ay kasing bangis ng mga mukha ng leon. Sila ay kasing bilis ng mga gasel sa mga bundok.
有些加得人到曠野的山岩中歸順了達味;他們是孔武有力,精於作戰,能使藤牌槍矛的勇士,面貌相似獅子,敏捷有如山上的羚羊:
9 Si Ezer ang pinuno, si Obadias ang ikalawa si Eliab ang ikatlo,
首為厄則爾,次為敖巴狄雅,三為厄里雅布,
10 si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima,
四為米舍曼納,五為耶勒米雅,
11 si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito,
六為阿泰,七為厄里耳,
12 si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam,
八為約哈南,九為厄耳匝巴得,
13 si Jeremias ikasampu, si Macbanai ang ikalabing-isa.
十為耶勒米雅烏,十一為瑪革邦乃:
14 Itong mga anak ni Gad ay mga pinuno ng hukbo. Ang pinamunuan ng pinakamababa ay isang daan at ang pinamunuan ng pinakadakila ay isanglibo.
這些人都是加得的子孫,軍隊的首領,小者可抵百人,大者可抵千人。
15 Tinawid nila ang Jordan sa unang buwan, nang umapaw ang mga pampang nito at pinalayas ang lahat ng mga naninirahan sa mga kapatagan papuntang silangan at papuntang kanluran.
就是這些人,在一月裏,約但何水漲到兩岸時,渡過了河,使平原所有的居民東奔西逃。
16 Ang ilan sa mga kalalakihan sa lipi ni Benjamin at Juda ay pumunta sa matibay na tanggulan ni David.
此外,又有本雅明人和猶大人來到山砦見達味,
17 Lumabas si David upang salubungin sila at sinabi niya: “Kung pumunta kayo na may kapayapaan upang tulungan ako, maaari kayong sumama sa akin. Subalit kung kayo ay pumarito upang ipagkanulo ako sa aking mga kalaban, sawayin nawa kayo ng Diyos ng ating mga ninuno, sapagkat wala akong ginawang mali.”
達味出來迎接他們說:「如果你們帶來平安,有意協助我,我的心就與你們相契合;如果你們來是為將我這無辜的人出賣於敵人,願我們祖先的天主,予以鑑察,予以審判。」
18 Pagkatapos, ang Espiritu ay dumating kay Amasai na pinuno ng tatlumpu. Sinabi niya, “Kami ay sa iyo, David. Kami ay nasa iyong panig, anak ni Jesse. Kapayapaan, magkaroon nawa ng kapayapaan sa sinumang tutulong sa iyo. Kapayapaan sa mga tumutulong sa iyo, sapagkat tinutulungan ka ng Diyos.” Pagkatapos, tinanggap sila ni David at ginawa silang mga pinuno sa kaniyang mga tauhan.
當時,天主的神充滿在那三十個勇士的首領阿瑪賽身上,他遂說:「達味! 我們屬於你;葉瑟的兒子! 我們來協助你;平安! 願協助你的也都平安! 因為你的天主扶助了你。」達味便收留了他們,委他們為部隊隊長。
19 Ang ilan mula sa Manases ay umalis upang sumama kay David nang dumating siya kasama ang mga Filisteo upang labanan si Saul. Ngunit hindi nila tinulungan ng mga Filisteo, sapagkat ang panginoon ng mga Filisteo ay sumangguni sa isa't isa at pinaalis si David. Sinabi nila, “Iiwan niya tayo at sasama sa kaniyang panginoon na si Saul at malalagay sa panganib ang ating buhay.”
當達味與培肋舍特人一同去攻打撒烏耳時,也有些默納協人歸順了達味。其實達味並沒有協助培勒舍特人,因為培肋舍特人的首領議決將他遣回,說:「怕達味拿我們的頭去向他的主人撒烏耳投誠。」
20 Nang pumunta siya sa Ziklag, ang mga kalalakihan ng Manases na sumama sa kaniya ay sina Adna, Jozabad, Jidiael, Micael, Eliu, at Zillettai, na mga kapitan sa libu-libong mula sa Manases.
達味回漆刻拉格時,默納協人阿德納,約匝巴得,耶狄厄耳,米加耳,約匝巴得,厄里胡和漆肋泰,都歸順了他;他們都是默納協人中的千夫長。
21 Tinulungan ng mga lalaking mandirigma si David na lumaban sa mga lumilibot na pangkat ng mga magnanakaw. Pagkatapos, naging mga pinuno sila sa mga hukbo.
這些人偕同達味攻擊了一群賊寇;他們皆是孔武有力的勇士,成了軍中的官長。
22 Araw-araw, may mga lalaking pumupunta kay David upang tulungan siya hanggang sa magkaroon ng malaking hukbo tulad ng hukbo ng Diyos.
前來協助達味的人日漸增多,以致成了一強大的兵團,有如天主的軍旅。[擁護達味為王的戰士]
23 Ito ang talaan ng mga armadong kawal para sa labanan na nagpunta kay David sa Hebron upang ibigay ang kaharian ni Saul sa kaniya, na tumupad sa salita ni Yahweh.
來到赫貝龍達味前,欲把撒烏耳的王位,依照上主的命令,交於達味,而準備出征的人數如下:
24 Mula sa Juda ang mga nagdala ng kalasag at sibat ay 6, 800, na armado para sa digmaan.
猶大子孫中,執盾持槍的武裝戰士六千八百人;
25 Mula sa tribu ni Simeon ay may 7, 100 na lalaking mandirigma.
西默盎子孫中,英勇有力的戰士七千一百人;
26 Mula sa mga Levita ay may 4, 600 na mga lalaking mandirigma.
肋未子孫中,四千六百人;
27 Si Joiada ang pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang kasama niya ay 3, 700.
亞郎家族的族長約雅達,與他的侍從三千七百人,
28 Kasama ni Zadok, isang binatang malakas at matapang, ang dalawampu't dalawang pinuno mula sa angkan ng kaniyang ama.
少年勇士匝多克和他的家人二十二個軍官;
29 Mula kay Benjamin, na tribu ni Saul ay may 3, 000. Karamihan sa kanila ay nanatiling tapat kay Saul hanggang ngayon.
撒烏耳的同族本雅明子孫中三千人。直到那時止,他們多半支持撒烏耳家;
30 Mula sa tribu ni Efraim ay may 20, 800 na lalaking mandirigma, mga lalaking tanyag sa sambahayan ng kanilang ama.
厄弗辣因子孫中,二萬零八百人,都是有力的勇士,在自己家族中也是有名望的人;
31 Mula sa kalahating tribu ni Manases ay may 18, 000 na mga lalaking tanyag na dumating upang gawing hari si David.
默納協半支派中,報名來立達味為王者一萬八千人;
32 Mula kay Isacar, ay may dalawandaang pinuno na may pag-unawa sa mga panahon at nalalaman kung ano dapat gawin ng Israel. Ang lahat ng kanilang kamag-anak ay nasa ilalim ng kanilang utos.
依撒加爾子孫中,識時務,指導以色列應如何行事的人,有族長二百人,同族的人都聽他們的指揮;
33 Mula kay Zebulun ay may 50, 000 na lalaking mandirigma, na nakahanda para sa digmaan, na dala ang lahat ng sandata ng digmaan at handang ibigay ang hindi nahahating katapatan.
則步隆子孫中,能上陣作戰,會用各種武器,一心一意助戰的,有五萬人;
34 Mula kay Neftali ay may isang libong opisyal at kasama nila ang may 37, 000 na lalaki na may mga kalasag at mga sibat.
納裴塔里子孫中,能上陣作戰的,有二萬八千六百人;
35 Mula sa angkan ni Dan ay may 28, 600 na mga kalalakihan na nakahanda para sa labanan.
丹子孫中,能上陣作戰的,有二萬八千六百人;
36 Mula kay Asher ay may apatnapung libong mga kalalakihan na nakahanda para sa labanan.
阿協爾子孫中,能上陣作戰的,有四萬人;
37 Mula sa kabilang panig ng Jordan, mula sa tribu ni Ruben, Gad, at sa kalahating tribu ni Manases ay may 120, 000 na lalaking armado ng lahat ng uri ng sandata para sa labanan.
約但河東岸,勒烏本族,加得族,默納協半支派中,能持各種兵器作戰的,共有十二萬人:
38 Ang lahat ng mga kawal na ito, na handa para sa labanan, ay dumating sa Hebron na may matatag na hangarin na gawing hari si David sa buong Israel. Ang lahat ng iba pang Israelita ay sumang-ayon na gawing hari si David.
以上這些人都是軍人,有行伍訓練的戰士,誠心來到赫貝龍,要立達味為全以色列的君王;其餘的眾以色列人,也都一心要立達味為王。
39 Sila ay naroon ng tatlong araw kasama si David na kumain at uminom, sapagkat pinadalhan sila ng kanilang mga kamag-anak ng kailangang pagkain at inumin.
他們在那裏與達味同住了三天,一同飲食,因為有他們的弟兄為他們預備好了一切。
40 Bukod pa rito, ang mga malapit sa kanila, hanggang Isacar, Zebulun at Neftali, ay nagdala ng tinapay na isinakay sa mga asno, mga camelyo, mga mola at mga baka, at tinapay na gawa sa igos, mga kumpol ng pasas, alak, langis, baka at tupa, sapagkat nagdiriwang ang Israel.
附近的人,以及遠至依撒加爾,則步隆和納斐塔里的人,都用驢、駱駝、騾和牛,給他們載來大批食品:麵餅、無花果餅、葡萄乾餅、由和牛羊,因為當時在以色列充滿了快樂。

< 1 Mga Cronica 12 >