< 1 Mga Cronica 11 >

1 At nagpunta ang lahat ng Israelita kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at dugo.
ויקבצו כל ישראל אל דויד חברונה לאמר הנה עצמך ובשרך אנחנו
2 Sa nakalipas na panahon nang naghari si Saul sa atin, ikaw ang nanguna sa mga hukbong Israelita. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, 'Ikaw ang mangangalaga sa aking bayang Israel at ikaw ang mamumuno sa aking bayang Israel.'”
גם תמול גם שלשום גם בהיות שאול מלך--אתה המוציא והמביא את ישראל ויאמר יהוה אלהיך לך אתה תרעה את עמי את ישראל ואתה תהיה נגיד על עמי ישראל
3 Kaya lahat ng mga matatanda ng Israel ay pumunta sa hari sa Hebron at gumawa si David ng kasunduan sa kanila sa harap ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David na hari ng buong Israel. Sa ganitong paraang natupad ang salita ni Yahweh na ipinahayag ni Samuel.
ויבאו כל זקני ישראל אל המלך חברונה ויכרת להם דויד ברית בחברון לפני יהוה וימשחו את דויד למלך על ישראל כדבר יהוה ביד שמואל
4 Si David at lahat ng Israelita ay nagtungo sa Jerusalem (iyan ay Jebus). Ngayon, naroon ang mga Jebuseo, na naninirahan sa lupain na iyon.
וילך דויד וכל ישראל ירושלם היא יבוס ושם היבוסי ישבי הארץ
5 Sinabi ng mga naninirahan sa Jebus kay David, “Hindi ka makakapasok dito.” Ngunit tinalo ni David ang matibay na tanggulan ng Zion, iyon ay ang lungsod ni David.
ויאמרו ישבי יבוס לדויד לא תבוא הנה וילכד דויד את מצדת ציון היא עיר דויד
6 Sinabi ni David, “Sinuman ang unang lulusob sa mga Jebuseo ay magiging pinuno.” Kaya si Joab na anak ni Zuriah ang unang lumusob, kaya ginawa siyang pinuno ng hukbo.
ויאמר דויד--כל מכה יבוסי בראשונה יהיה לראש ולשר ויעל בראשונה יואב בן צרויה ויהי לראש
7 Pagkatapos, nagsimulang tumira si David sa matibay na tanggulan. Kaya tinawag nila itong lungsod ni David.
וישב דויד במצד על כן קראו לו עיר דויד
8 Pinatibay niya ang pader ng lungsod mula sa Millo at pinalibutan niya ng pader. Pinatibay ni Joab ang natitirang bahagi ng lungsod.
ויבן העיר מסביב מן המלוא ועד הסביב ויואב יחיה את שאר העיר
9 Naging dakila si David sapagkat ang makapangyarihang si Yahweh ay kasama niya.
וילך דויד הלוך וגדול ויהוה צבאות עמו
10 Ito ang mga pinuno na mayroon si David na nagpakita na sila ay malalakas kasama niya sa kaniyang kaharian, kasama ang buong Israel upang gawin siyang hari, na sinusunod ang salita ni Yahweh tungkol sa Israel.
ואלה ראשי הגברים אשר לדויד המתחזקים עמו במלכותו עם כל ישראל להמליכו--כדבר יהוה על ישראל
11 Ito ang listahan ng mga piling kawal ni David: Si Jasobeam, na anak ng isang Hacmonita, ay pinuno ng tatlumpu. Pinatay niya ang tatlongdaang kalalakihan sa pamamagitan ng kaniyang sibat sa isang pagkakataon.
ואלה מספר הגברים אשר לדויד ישבעם בן חכמוני ראש השלושים (השלישים)--הוא עורר את חניתו על שלש מאות חלל בפעם אחת
12 Sumunod sa kaniya si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita na isa sa tatlong malalakas na mga kalalakihan.
ואחריו אלעזר בן דודו האחוחי הוא בשלושה הגברים
13 Kasama niya si David sa Pas-dammim, at doon nagtipon-tipon ang mga Filisteo para sa labanan, kung saan may bukid ng sebada at tumakas ang hukbo ng mga Israelita mula sa mga Filisteo.
הוא היה עם דויד בפס דמים והפלשתים נאספו שם למלחמה ותהי חלקת השדה מלאה שעורים והעם נסו מפני פלשתים
14 Tumayo sila sa gitna ng bukid, ipinagtanggol ito at pinatay ang mga Filisteo. Iniligtas sila ni Yahweh na may malaking tagumpay.
ויתיצבו בתוך החלקה ויצילוה ויכו את פלשתים ויושע יהוה תשועה גדולה
15 At tatlo sa tatlumpung mga pinuno ang bumaba patungo kay David sa malaking bato, sa yungib ng Adullam. Nagkampo ang mga hukbo ng Filisteo sa lambak ng Rephaim.
וירדו שלושה מן השלושים ראש על הצר אל דויד--אל מערת עדלם ומחנה פלשתים חנה בעמק רפאים
16 Sa panahong iyon, naroon si David sa kaniyang tanggulan, isang yungib, samantalang nagtatag ang mga Filisteo ng kanilang kampo sa Betlehem.
ודויד אז במצודה ונציב פלשתים אז בבית לחם
17 Nanabik sa tubig si David at sinabi, “Kung may magbibigay sana sa akin ng tubig upang inumin mula sa balon ng Betlehem, sa balon na malapit sa tarangkahan!”
ויתאו דויד ויאמר מי ישקני מים מבור בית לחם אשר בשער
18 Kaya sumugod ang tatlong malalakas na kalalakihan sa hukbo ng mga Filisteo at kumuha ng tubig mula sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala kay David, ngunit tumanggi siyang inumin ito. Sa halip, ibinuhos niya ito para kay Yahweh.
ויבקעו השלשה במחנה פלשתים וישאבו מים מבור בית לחם אשר בשער וישאו ויבאו אל דויד ולא אבה דויד לשתותם וינסך אתם ליהוה
19 At sinabi niya, “Huwag mong ipahintulot, Yahweh, na inumin ko ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga kalalakihang nagbuwis ng kanilang mga buhay?” Dahil inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay, ayaw niyang inumin ito. Ito ang mga bagay na ginawa ng tatlong matatapang na kalalakihan.
ויאמר חלילה לי מאלהי מעשות זאת הדם האנשים האלה אשתה בנפשותם כי בנפשותם הביאום ולא אבה לשתותם אלה עשו שלשת הגבורים
20 Si Abisai na kapatid ni Joab ang namuno sa tatlo. Ginamit niya ng minsan ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal.
ואבשי אחי יואב הוא היה ראש השלושה והוא עורר את חניתו על שלש מאות חלל ולא (ולו) שם בשלושה
21 Sa tatlo, siya ay labis na pinarangalan at naging kanilang pinuno. Gayunman, ang kaniyang katanyagan ay hindi papantay sa katanyagan ng tatlong mga kawal.
מן השלושה בשנים נכבד ויהי להם לשר ועד השלושה לא בא
22 Si Benaias na anak ni Joaida ay malakas na lalaki na gumawa ng mga kahanga-hangang gawa. Pinatay niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab. Bumaba din siya sa malalim na hukay at pinatay ang isang leon habang umuulan ng niyebe.
בניה בן יהוידע בן איש חיל רב פעלים מן קבצאל הוא הכה את שני אריאל מואב והוא ירד והכה את הארי בתוך הבור ביום השלג
23 Pinatay rin niya ang isang lalaking taga-Egipto na may limang kubit ang taas. Ang taga-Egipto ay may sibat na tulad ng kahoy na panghabi, subalit pumunta siya sa kaniya na tungkod lamang ang dala. Inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga-Egipto at pinatay siya gamit ang sarili niyang sibat.
והוא הכה את האיש המצרי איש מדה חמש באמה וביד המצרי חנית כמנור ארגים וירד אליו בשבט ויגזל את החנית מיד המצרי ויהרגהו בחניתו
24 Ang mga kahanga-hangang gawa na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joaida, at pinangalanan siya kasama ng tatlong malalakas na kalalakihan.
אלה עשה בניהו בן יהוידע ולו שם בשלושה הגברים
25 Mas higit siyang iginagalang kaysa sa tatlumpung mga kawal sa pangkalahatan, ngunit hindi siya iginagalang na katulad ng tatlong mga piling kawal. Gayunman, inilagay siya ni David na tagapangasiwa ng kaniyang mga bantay.
מן השלושים הנו נכבד הוא ואל השלשה לא בא וישימהו דויד על משמעתו
26 Ang malalakas na mga kalalakihan ay sina Asahel na kapatid ni Joab, Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem,
וגבורי החילים עשהאל אחי יואב אלחנן בן דודו מבית לחם
27 Si Samot na taga-Harod, Si Helez na taga-Pelet,
שמות ההרורי חלץ הפלוני
28 Si Ira na anak ni Iques na taga-Tekoa, si Abiezer na taga-Anatot,
עירא בן עקש התקועי אביעזר הענתותי
29 si Sibecai na taga-Husa, si Ilai na taga-Aho,
סבכי החשתי עילי האחוחי
30 si Maharai na taga-Netofa, Heled na anak ni Baana na taga-Netofa,
מהרי הנטפתי חלד בן בענה הנטופתי
31 si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea na mula sa angkan ni Benjamin, si Benaias na taga-Piraton,
איתי בן ריבי מגבעת בני בנימן בניה הפרעתני
32 si Hurai na mula sa mga lambak ng Gaas, si Abiel na taga-Arba,
חורי מנחלי געש אביאל הערבתי
33 si Azmavet na taga-Behurim, si Eliaba na taga-Saalbon,
עזמות הבחרומי אליחבא השעלבני
34 ang mga anak ni Hasem na taga-Gizon, si Jonathan na anak ni Sage na taga-Arar,
בני השם הגזוני יונתן בן שגה ההררי
35 si Ahiam na anak ni Sacar na taga-Arar, si Elifal na anak ni Ur,
אחיאם בן שכר ההררי אליפל בן אור
36 si Hefer na taga-Mequera, si Ahias na taga-Pelon,
חפר המכרתי אחיה הפלני
37 si Hezro na taga-Carmel, si Naarai na anak ni Ezbai,
חצרו הכרמלי נערי בן אזבי
38 si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Hagri,
יואל אחי נתן מבחר בן הגרי
39 si Zelec na taga-Ammon, si Naarai na taga-Berot (tagadala ng baluti ni Joab na anak ni Zeruiah),
צלק העמוני נחרי הברתי נשא כלי יואב בן צרויה
40 si Ira at Gareb na taga-Jatir,
עירא היתרי גרב היתרי
41 si Urias na Heteo, si Zabad na anak ni Ahlai,
אוריה החתי זבד בן אחלי
42 si Adina na anak ni Siza (na pinuno sa angkan ni Ruben) at kasama niya ang tatlumpung tao,
עדינא בן שיזא הראובני ראש לראובני--ועליו שלשים
43 si Hanan anak ni Maaca, at si Josafat na taga-Mitan,
חנן בן מעכה ויושפט המתני
44 si Uzias na taga-Asterot, Sammah at Jeiel na mga anak ni Hotam na taga-Aroer,
עזיא העשתרתי שמע ויעואל (ויעיאל) בני חותם הערערי
45 si Jediael na anak ni Simri at si Joha na kaniyang kapatid na taga-Tiz,
ידיעאל בן שמרי ויחא אחיו התיצי
46 si Eliel na taga-Mahava, si Jeribai at Josavia ang mga anak ni Elnaam, si Itma na taga-Moab,
אליאל המחוים ויריבי ויושויה בני אלנעם ויתמה המואבי
47 sina Eliel, Obed, at Jasael na taga-Zoba.
אליאל ועובד ויעשיאל המצביה

< 1 Mga Cronica 11 >