< 1 Mga Cronica 10 >
1 At ngayon, nakipaglaban ang mga Filisteo laban sa Israel. Tumakas ang bawat Israelita mula sa mga Filisteo at pinatay sa Bundok ng Gilboa.
Filistejci su zavojštili na Izraelce. Izraelci su pobjegli pred njima i padali pobijeni po gori Gilboi.
2 Nagpatuloy ang mga Filisteo sa pagtugis kay Saul at sa kaniyang mga anak na lalaki. Pinatay ng mga Filisteo ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Jonatan, Abinadab at Melquisua.
Filistejci stisnuše Šaula i njegove sinove i pogubiše Šaulove sinove Jonatana, Abinadaba i Malki-Šuu.
3 Naging matindi ang digmaan laban kay Saul at inabutan siya ng mga mamamana. Lubha siyang nasugatan dahil sa mga mamamana.
Boj je postao žešći oko Šaula. Iznenadiše ga strijelci s lukovima i on pade ranjen od strijelaca.
4 Pagkatapos nito, sinabi ni Saul sa tagadala ng kaniyang mga baluti. “Hugutin mo ang iyong tabak at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating ang mga hindi tuli at aabusuhin ako”. Ngunit ayaw gawin ng tagadala ng kaniyang mga baluti, sapagkat siya ay takot na takot. Kaya hinugot ni Saul ang sariling tabak at sinaksak ang kaniyang sarili.
Tada Šaul reče svome štitonoši: “Izvuci svoj mač i probodi me da ne dođu ti neobrezanci i ne narugaju mi se.” Ali se njegov štitonoša prestravi i ne htjede toga učiniti. Zato Šaul uze mač i baci se na nj.
5 Nang makita ng tagadala ng kaniyang mga baluti na patay na si Saul, itinusok rin niya ang tabak sa kaniyang sarili at namatay.
Kad je štitonoša vidio da je Šaul umro, baci se i on na svoj mač i umrije s njim.
6 Kaya namatay si Saul at ang kaniyang tatlong anak na lalaki, kaya ang lahat ng kaniyang sambahayan ay magkakasamang namatay.
Tako onog dana pogiboše zajedno Šaul, njegova tri sina i sav njegov dom.
7 Nang makita ng bawat Israelitang nasa lambak na tumakas sila, at patay na si Saul at ang kaniyang mga anak, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas sila. At dumating ang mga Filisteo at nanirahan doon.
Kad su svi Izraelci koji su bili u dolini vidjeli da su sinovi Izraelovi pobjegli i da je poginuo Šaul sa sinovima, ostavili su svoje gradove i razbježali se. Filistejci dođoše i nastaniše se u njima.
8 At nangyari nga kinabukasan, nang dumating ang mga Filisteo upang pagnakawan ang mga patay, natagpuan nilang patay si Saul at ang kaniyang mga anak na lalaki sa Bundok ng Gilboa.
Kad su sutradan došli Filistejci da oplijene pobijene, našli su Šaula s njegovim sinovima gdje leže mrtvi na gori Gilboi.
9 Hinubaran nila si Saul, pinugutan siya ng ulo at kinuha ang kaniyang baluti. Nagpadala sila ng mga mensahero sa buong Filistia upang ikalat ang balita sa kanilang mga diyus-diyosan at sa lahat ng tao.
Svukavši ga, uzeše mu glavu i oružje te poslaše po filistejskoj zemlji unaokolo javljajući veselu vijest svojim idolima i narodu.
10 Inilagay nila ang kaniyang baluti sa templo ng kanilang mga diyus-diyosan at isinabit ang kaniyang ulo sa templo ni Dagon.
Potom su oružje metnuli u hram svoga boga, a lubanju mu izložili u Dagonovu hramu.
11 Nang marinig ng mga taga-Jabes-Gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul,
Kad su čuli svi Jabeš-Gileađani što su Filistejci učinili od Šaula,
12 pumunta ang lahat ng kanilang mandirigma at kinuha ang katawan ni Saul maging ang kaniyang mga anak at dinala nila ang mga ito sa Jabes. Inilibing nila ang kanilang mga buto sa ilalim ng puno ng ensina at nag-ayuno sila ng pitong araw.
ustali su svi hrabri ljudi i uzeli Šaulovo mrtvo tijelo i tjelesa njegovih sinova i, donijevši ih u Jabeš, pokopali su njihove kosti pod tamarisom u Jabešu; i postiše sedam dana.
13 Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Yahweh. Hindi siya sumunod sa mga tagubilin ni Yahweh, sa halip, humingi siya ng payo sa taong nakikipag-usap sa patay.
Tako je poginuo Šaul za svoju nevjeru kojom se iznevjerio Jahvi: nije držao Jahvine zapovijedi i povrh toga je pitao za savjet bajačicu,
14 Hindi siya humingi ng patnubay mula kay Yahweh, kaya pinatay siya ni Yahweh at ibinigay ang kaniyang kaharian kay David na anak na lalaki ni Jesse.
a nije pitao Jahvu; zato ga je ubio i prenio kraljevstvo na Jišajeva sina Davida.