< Zefanias 3 >

1 Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng mapagpighating kamay!
Горе городу нечистому и оскверненному, притеснителю!
2 Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios.
Не слушает голоса, не принимает наставления, на Господа не уповает, к Богу своему не приближается.
3 Ang mga prinsipe niya sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan.
Князья его посреди него - рыкающие львы, судьи его - вечерние волки, не оставляющие до утра ни одной кости.
4 Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan.
Пророки его - люди легкомысленные, вероломные; священники его оскверняют святыню, попирают закон.
5 Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan.
Господь праведен посреди него, не делает неправды, каждое утро являет суд Свой неизменно; но беззаконник не знает стыда.
6 Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan.
Я истребил народы, разрушены твердыни их; пустыми сделал улицы их, так что никто уже не ходит по ним; разорены города их: нет ни одного человека, нет жителей.
7 Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa.
Я говорил: “бойся только Меня, принимай наставление!”, и не будет истреблено жилище его, и не постигнет его зло, какое Я постановил о нем; а они прилежно старались портить все свои действия.
8 Kaya't hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, ng silakbo ng aking paninibugho.
Итак, ждите Меня, говорит Господь, до того дня, когда Я восстану для опустошения, ибо Мною определено собрать народы, созвать царства, чтобы излить на них негодование Мое, всю ярость гнева Моего; ибо огнем ревности Моей пожрана будет вся земля.
9 Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa.
Тогда опять Я дам народам уста чистые, чтобы все призывали имя Господа и служили Ему единодушно.
10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng aking pinapangalat, ay magdadala ng handog sa akin.
Из заречных стран Ефиопии поклонники Мои, дети рассеянных Моих, принесут Мне дары.
11 Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.
В тот день ты не будешь срамить себя всякими поступками твоими, какими ты грешил против Меня, ибо тогда Я удалю из среды твоей тщеславящихся твоею знатностью, и не будешь более превозноситься на святой горе Моей.
12 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon.
Но оставлю среди тебя народ смиренный и простой, и они будут уповать на имя Господне.
13 Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila.
Остатки Израиля не будут делать неправды, не станут говорить лжи, и не найдется в устах их языка коварного, ибо сами будут пастись и покоиться, и никто не потревожит их.
14 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem.
Ликуй, дщерь Сиона! торжествуй, Израиль! веселись и радуйся от всего сердца, дщерь Иерусалима!
15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.
Отменил Господь приговор над тобою, прогнал врага твоего! Господь, царь Израилев, посреди тебя: уже более не увидишь зла.
16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay.
В тот день скажут Иерусалиму: “не бойся” - и Сиону: “да не ослабевают руки твои!”
17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.
Господь Бог твой среди тебя, Он силен спасти тебя; возвеселится о тебе радостью, будет милостив по любви Своей, будет торжествовать о тебе с ликованием.
18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan.
Сетующих о торжественных празднествах Я соберу: твои они, на них тяготеет поношение.
19 Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa.
Вот, Я стесню всех притеснителей твоих в то время и спасу хромлющее, и соберу рассеянное, и приведу их в почет и именитость на всей этой земле поношения их.
20 Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.
В то время приведу вас и тогда же соберу вас, ибо сделаю вас именитыми и почетными между всеми народами земли, когда возвращу плен ваш перед глазами вашими, говорит Господь.

< Zefanias 3 >