< Zacarias 6 >

1 At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.
Så løftet jeg atter mine øine op og fikk se fire vogner som kom frem mellem to fjell, og fjellene var kobberfjell.
2 Sa unang karo ay may mga kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim;
For den første vogn var det røde hester, og for den annen vogn var det sorte hester,
3 At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo.
og for den tredje vogn var det hvite hester, og for den fjerde vogn flekkete, sterke hester.
4 Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?
Og jeg tok til orde og sa til engelen som talte med mig: Hvad er dette, herre?
5 At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
Engelen svarte: Dette er himmelens fire vinder, som nu farer ut efterat de har fremstilt sig for all jordens herre.
6 Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.
Vognen med de sorte hester for drog ut mot Nordens land, og de hvite drog ut efter dem, og de flekkete drog ut mot Sydens land.
7 At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.
Og de sterkeste drog ut, og da de ønsket å få dra omkring på jorden, sa han: Gå, dra omkring på jorden! Og de drog omkring på jorden.
8 Nang magkagayo'y hiniyawan niya ako, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Narito, silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking diwa sa lupaing hilagaan.
Så ropte han høit på mig og sa til mig: Se, de som drar ut mot Nordens land, de stiller min vrede på Nordens land.
9 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Og Herrens ord kom til mig, og det lød så:
10 Kumuha ka sa nangabihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedaia; at yumaon ka sa araw ding yaon, at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias, na nagsibalik mula sa Babilonia;
Ta imot gavene fra de bortførte, fra Heldai, Tobia og Jedaja - gå selv på denne dag inn i Josias', Sefanias' sønns hus - for dit er de kommet fra Babel -
11 Oo, kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong mga putong, at mga iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote.
og ta imot sølv og gull av dem og gjør kroner og sett dem på Josvas, Jehosadaks sønns, yppersteprestens hode!
12 At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;
Og si til ham: Så sier Herren, hærskarenes Gud: Se, det skal komme en mann som heter Spire; han skal spire frem av sin rot, og han skal bygge Herrens tempel.
13 Sa makatuwid baga'y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa.
Ja, han skal bygge Herrens tempel, og han skal vinne herlighet og sitte og herske på sin kongetrone, og han skal være prest der han sitter på sin trone, og freds råd skal det være mellem dem begge.
14 At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem, at kay Tobias, at kay Jedaia, at kay Hen na anak ni Sefanias.
Og kronene skal være til et minne i Herrens tempel om Helem og Tobia og Jedaja og Hen, Sefanias sønn.
15 At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. At ito'y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.
Og langt borte fra skal de komme og bygge på Herrens tempel, og I skal kjenne at Herren, hærskarenes Gud, har sendt mig til eder; og dette skal skje dersom I hører på Herrens, eders Guds røst.

< Zacarias 6 >