< Zacarias 14 >
1 Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.
Lo, a day hath come to Jehovah, And divided hath been thy spoil in thy midst.
2 Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
And I have gathered all the nations unto Jerusalem to battle, And captured hath been the city, And spoiled have been the houses, And the women are lain with, Gone forth hath half the city in a removal, And the remnant of the people are not cut off from the city.
3 Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
And gone forth hath Jehovah, And He hath fought against those nations, As in the day of His fighting in a day of conflict.
4 At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.
And stood have His feet, in that day, On the mount of Olives, That [is] before Jerusalem eastward, And cleft hath been the mount of Olives at its midst, To the east, and to the west, a very great valley, And removed hath the half of the mount towards the north. And its half towards the south.
5 At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya.
And ye have fled [to] the valley of My mountains, For join doth the valley of the mountains to Azal, And ye have fled as ye fled before the shaking, In the days of Uzziah king of Judah, And come in hath Jehovah my God, All holy ones [are] with Thee.
6 At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong.
And it hath come to pass, in that day, The precious light is not, it is dense darkness,
7 Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag.
And there hath been one day, It is known to Jehovah, not day nor night, And it hath been at evening-time — there is light.
8 At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.
And it hath come to pass, in that day, Go forth do living waters from Jerusalem, Half of them unto the eastern sea, And half of them unto the western sea, In summer and in winter it is.
9 At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
And Jehovah hath become king over all the land, In that day there is one Jehovah, and His name one.
10 Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa pintuang-bayan ng Benjamin hangang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.
Changed is all the land as a plain, From Gebo to Rimmon, south of Jerusalem, And she hath been high, and hath dwelt in her place, Even from the gate of Benjamin To the place of the first gate, unto the front gate, And from the tower of Hananeel, Unto the wine-vats of the king.
11 At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.
And they have dwelt in her, And destruction is no more, And Jerusalem hath dwelt confidently.
12 At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.
And this is the plague with which Jehovah Doth plague all the peoples who have warred against Jerusalem, He hath consumed away its flesh, And it is standing on its feet, And its eyes are consumed in their holes, And its tongue is consumed in their mouth.
13 At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.
And it hath come to pass, in that day, A great destruction [from] Jehovah is among them, And they have seized each the hand of his neighbour, And gone up hath his hand against the hand of his neighbour.
14 At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.
And also Judah is fought with in Jerusalem, And gathered hath been the force of all the nations round about, Gold, and silver, and apparel, in great abundance.
15 At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.
And so is the plague of the horse, of the mule, Of the camel, and of the ass, And of all the cattle that are in these camps, As this plague.
16 At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag.
And it hath come to pass, Every one who hath been left of all the nations, Who are coming in against Jerusalem, They have also gone up from year to year, To bow themselves to the King, Jehovah of Hosts, And to celebrate the feast of the booths.
17 At mangyayari, na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.
And it hath come to pass, That he who doth not go up of the families of the land unto Jerusalem, To bow himself to the King, Jehovah of Hosts, Even on them there is no shower.
18 At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
And if the family of Egypt go not up, nor come in, Then not on them is the plague With which Jehovah doth plague the nations That go not up to celebrate the feast of booths.
19 Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
This is the punishment of the sin of Egypt, And the punishment of the sin of all the nations, That go not up to celebrate the feast of booths.
20 Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga taza sa harap ng dambana.
In that day there is on bells of the horse, 'Holy to Jehovah,' And the pots in the house of Jehovah Have been as bowls before the altar.
21 Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay hindi na magkakaroon pa ng Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo.
And every pot in Jerusalem, and in Judah, Have been holy to Jehovah of Hosts, And all those sacrificing have come in, And have taken of them, and boiled in them, And there is no merchant any more in the house of Jehovah of Hosts in that day!