< Tito 2 >
1 Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na magaling:
But speke thou tho thingis that bisemen hoolsum teching;
2 Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, mahusay, mahinahon ang pagiisip, magagaling sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:
that elde men be sobre, chast, prudent, hool in feith, in loue, and pacience;
3 Na gayon din ang matatandang babae ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan;
also olde wymmen in hooli abite, not sclaundereris, not seruynge myche to wyn, wel techynge, that thei teche prudence.
4 Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon,
Moneste thou yonge wymmen, that thei loue here hosebondis, that thei loue her children;
5 Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios:
and that thei be prudent, chast, sobre, hauynge cure of the hous, benygne, suget to her hosebondis, that the word of God be not blasfemyd.
6 Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila'y mangagpakahinahon ng pagiisip:
Also moneste thou yonge men, that thei be sobre.
7 Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,
In alle thingis yyue thi silf ensaumple of good werkis, in teching, in hoolnesse, in sadnesse.
8 Pangungusap na magaling, na di mahahatulan; upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.
An hoolsum word, and vnrepreuable; that he that is of the contrarie side, be aschamed, hauynge noon yuel thing to seie of you.
9 Iaral mo sa mga alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin;
Moneste thou seruauntis to be suget to her lordis; in alle thingis plesinge, not ayenseiynge, not defraudynge,
10 Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay ang aral ng Dios na ating Tagapagligtas.
but in alle thingis schewinge good feith, that thei onoure in alle thingis the doctryn of `God, oure sauyour.
11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
For the grace of `God, oure sauyour, hath apperid to alle men,
12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito; (aiōn )
and tauyte vs, that we forsake wickidnesse, and worldli desyris, lyue sobreli, and iustli, `and piteuousli in this world, (aiōn )
13 Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
abidinge the blessid hope and the comyng of the glorie of the greet God, and of oure sauyour Jhesu Crist;
14 Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pag-aari.
that yaf hym silf for vs, to ayenbie vs fro al wickidnesse, and make clene to hym silf a puple acceptable, and suere of good werkis.
15 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. Sinoman ay huwag humamak sa iyo.
Speke thou these thingis, and moneste thou, and repreue thou with al comaundement; no man dispise thee.