< Awit ng mga Awit 1 >

1 Ang awit ng mga awit, na kay Salomon.
Salomos Højsang.
2 Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak.
Kys mig, giv mig Kys af din Mund, thi din Kærlighed er bedre end Vin.
3 Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.
Lifligt dufter dine Salver, dit Navn er en udgydt Salve, derfor har Kvinder dig kær.
4 Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: matuwid ang pagsinta nila sa iyo.
Drag mig efter dig, kom, lad os løbe; Kongen tog mig ind i sine Kamre. Vi vil juble og glæde os i dig, prise din Kærlighed fremfor Vin. Med Rette har de dig kær.
5 Ako'y maitim, nguni't kahalihalina, Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem, gaya ng mga tolda sa Cedar, gaya ng mga tabing ni Salomon.
Jeg er sort, dog yndig, Jerusalems Døtre, som Kedars Telte, som Salmas Forhæng.
6 Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
Se ej paa mig, fordi jeg er sortladen, fordi jeg er brændt af Solen. Min Moders Sønner vrededes paa mig, til Vingaardsvogterske satte de mig — min egen Vingaard vogted jeg ikke.
7 Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama?
Sig mig, du, som min Sjæl har kær, hvor du vogter din Hjord, hvor du holder Hvil ved Middag. Thi hvi skal jeg gaa som en Landstryger ved dine Fællers Hjorde?
8 Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor.
Saafremt du ikke ved det, du fagreste blandt Kvinder, følg da kun Hjordens Spor og vogt dine Geder ved Hyrdernes Boliger.
9 Aking itinulad ka, Oh aking sinta, sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon.
Ved Faraos Forspand ligner jeg dig, min Veninde.
10 Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas.
Dine Kinder er yndige med Snorene, din Hals med Kæderne.
11 Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak.
Vi vil gøre dig Snore af Guld med Stænk af Sølv.
12 Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango.
Min Nardus spreder sin Duft, mens Kongen er til Bords;
13 Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking mga suso.
min Ven er mig en Myrrapose, der ligger ved mit Bryst,
14 Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin sa mga ubasan ng En-gadi.
min Ven er mig en Koferklase fra En-Gedis Vingaarde.
15 Narito, ikaw ay maganda, sinta ko, narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati.
Hvor du er fager, min Veninde, hvor du er fager, dine Øjne er Duer!
16 Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya: ang ating higaan naman ay lungtian.
Hvor du er fager, min Ven, ja dejlig er du, vort Leje er grønt,
17 Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro, at ang kaniyang mga bubong ay mga sipres.
vor Boligs Bjælker er Cedre, Panelet Cypresser!

< Awit ng mga Awit 1 >