< Awit ng mga Awit 7 >

1 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa.
Како су лепе ноге твоје у обући, кћери кнежевска; саставци су бедара твојих као гривне, дело руку уметничких.
2 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila.
Пупак ти је као чаша округла, који није никад без пића; трбух ти је као стог пшенице ограђен љиљанима;
3 Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa.
Две дојке твоје као два близанца срнчета;
4 Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco.
Врат ти је као кула од слонове кости; очи су ти као језера у Есевону на вратима ватравимским; нос ти је као кула ливанска која гледа према Дамаску;
5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo, at ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube; ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.
Глава је твоја на теби као Кармил, и коса на глави твојој као царска порфира у боре набрана.
6 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!
Како си лепа и како си љупка, о љубави у милинама!
7 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma, at ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas.
Узраст ти је као палма, и дојке као гроздови.
8 Aking sinabi, ako'y aakyat sa puno ng palma, ako'y hahawak sa mga sanga niyaon; ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas, at ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;
Рекох: Попећу се на палму, дохватићу гране њене; и биће дојке твоје као гроздови на виновој лози, и мирис носа твог као јабуке;
9 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak, na tumutulong marahan para sa aking sinisinta, na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.
И грло твоје као добро вино, које иде право драгом мом и чини да говоре усне оних који спавају.
10 Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin.
Ја сам драгог свог, и њега је жеља за мном.
11 Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang; tumigil tayo sa mga nayon.
Ходи, драги мој, да идемо у поље, да ноћујемо у селима.
12 Sampahin nating maaga ang mga ubasan: tingnan natin kung ang puno ng ubas ay nagbubuko, at kung ang kaniyang mga bulaklak ay nagsisibuka, at kung ang mga granada ay namumulaklak: doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.
Ранићемо у винограде да видимо цвате ли винова лоза, замеће ли се грожђе, цвату ли шипци; онде ћу ти дати љубав своју.
13 Ang mga mandragora ay nagpapahalimuyak ng bango, at nasa ating mga pintuan ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma, na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.
Мандрагоре пуштају мирис, и на вратима је нашим свакојако красно воће, ново и старо, које за те дохраних, драги мој.

< Awit ng mga Awit 7 >