< Awit ng mga Awit 7 >

1 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa.
Mily szépek a te lábaid a sarukban, nemesnek leánya te; csipőid fordulatai mint ékszerek, művész kezeinek munkája.
2 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila.
Köldököd mint a kerek medencze- ne legyen hiján a kész italnak; hasad buzahalmaz, bekeritve liliomokkal.
3 Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa.
Két emlőd mint két gida, szarvasünőnek ikrei;
4 Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco.
nyakad mint elefántcsont-torony, szemeid ama tavak Chesbónban, a népes város kapuja mellett; orrod mint a Libánon tornya, mely Damaszkus felé tekint.
5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo, at ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube; ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.
Fejed te rajtad mint a Karmel, s fejed hajzata olyan, mint a bíbor: király, megkötve fürtökben.
6 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!
Mily szép vagy és mily kedves vagy, szerelem, a gyönyörüségekben!
7 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma, at ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas.
Ez a te termeted hasonlít a pálmához és emlőid szőlőfürtökhöz;
8 Aking sinabi, ako'y aakyat sa puno ng palma, ako'y hahawak sa mga sanga niyaon; ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas, at ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;
azt mondtam: hadd megyek föl a pálmára, megragadom galyait; s legyenek a te emlőid mint szőlőtőnek fürtjei és orrod illata, mint az almáké,
9 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak, na tumutulong marahan para sa aking sinisinta, na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.
és ínyed mint a jó bor – mely símán folyik barátomnak, megszólaltatja az alvók ajkait.
10 Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin.
Én barátomé vagyok s hozzám van vágyakozása.
11 Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang; tumigil tayo sa mga nayon.
Jer, barátom, menjünk ki a mezőre, háljunk meg a falvakon;
12 Sampahin nating maaga ang mga ubasan: tingnan natin kung ang puno ng ubas ay nagbubuko, at kung ang kaniyang mga bulaklak ay nagsisibuka, at kung ang mga granada ay namumulaklak: doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.
korán induljunk a szőlőkbe, lássuk, vajon kivirult-e a szőlőtő, megnyílt-e a szőlővirág, kivirágoztak-e a gránátfák: ott adom neked szerelmemet.
13 Ang mga mandragora ay nagpapahalimuyak ng bango, at nasa ating mga pintuan ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma, na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.
A nadragulyák illatot adnak és ajtóink mellett mindenféle drága gyümölcsök, újak is, régiek is: számodra, barátom, tettem el.

< Awit ng mga Awit 7 >