< Mga Roma 4 >

1 Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman?
What then will we say Abraham, our father according to flesh, to have found?
2 Sapagka't kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios.
For if Abraham was made righteous from works, he has a boast, but not before God.
3 Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran.
For what does the scripture say? And Abraham believed God, and it was reckoned to him for righteousness.
4 Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang.
Now to the man being employed, the wage is not reckoned according to grace, but according to obligation.
5 Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.
But to the man not being employed, but who believes in him who makes the impious man righteous, his faith is reckoned for righteousness.
6 Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa,
Just as David also tells the blessedness of the man to whom God imputes righteousness independent of works,
7 Na sinasabi, Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan.
saying, Blessed are those whose iniquities are forgiven, and whose sins are covered.
8 Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.
Blessed is a man to whom the Lord does, no, not impute sin.
9 Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli, o tungkol din naman sa di-pagtutuli? sapagka't sinasabi natin, Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
Is this blessedness therefore upon men of circumcision, or also upon men of uncircumcision? For we say, Faith was reckoned to Abraham for righteousness.
10 Paano ngang ito'y ibinilang? nang siya baga'y nasa pagtutuli, o sa di-pagtutuli? Hindi sa pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli:
How then was it reckoned? When he was in circumcision, or in uncircumcision? Not in circumcision, but in uncircumcision.
11 At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;
And he received the sign of circumcision, as a seal of the righteousness of his faith during uncircumcision, for him to be father of all those who believe during uncircumcision (for righteousness to also be imputed to them),
12 At ang ama ng pagtutuli nila na hindi lamang sa pagtutuli, kundi pati naman sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang siya'y nasa di-pagtutuli.
and father of those of circumcision, to those not only of circumcision, but also to those who march in the steps of faith-of that during the uncircumcision of our father Abraham.
13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.
For the promise to Abraham or to his seed, for him to be heir of the world, was not through law, but through a righteousness of faith.
14 Sapagka't kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana, ay walang kabuluhan ang pananampalataya, at nawawalang kabuluhan ang pangako:
For if those from law are heirs, faith has been made void, and the promise has been made useless.
15 Sapagka't ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa't kung saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.
For the law works wrath. For where there is no law, neither is there transgression.
16 Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, na ama nating lahat.
Because of this it is from faith, so that it is according to grace, in order for the promise to be sure to all the seed, not only to the seed from the law, but also to the seed from the faith of Abraham, who is father of us all
17 (Gaya ng nasusulat, Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.
(as it is written, I have made thee a father of many nations), before him whom he believed, of God who makes the dead alive, and who calls things not existing, as existing.
18 Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi, Magiging gayon ang iyong binhi.
Who, against hope, believed in hope, in order for him to become father of many nations according to that which was spoken, So thy seed will be.
19 At hindi humina sa pananampalataya na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na (gayon siya'y may mga isang daang taon na), at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara;
And not being weak in faith he did not regard his body, which was now deadened (being about a hundred years old), and the deadness of Sarah's womb.
20 Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios,
And he did not waver in unbelief at the promise of God, but became strong in faith, giving glory to God,
21 At lubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon.
and being fully assured that what he promised, he was able also to perform.
22 Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya.
And therefore it was reckoned to him for righteousness.
23 Ngayo'y hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang;
Now it was not written because of him alone that it was imputed to him,
24 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,
but also because of us to whom it is going to be imputed, to those who believe in him who raised Jesus our Lord from the dead,
25 Na ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin.
who was delivered up for our offenses, and was raised up for our justification.

< Mga Roma 4 >