< Mga Roma 1 >

1 Si Pablo na alipin ni Jesucristo, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa evangelio ng Dios,
Pavel služabnik Jezusa Kristusa, poklican apostelj, odločen za evangelj Božji,
2 Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,
(Kterega je najprej obljubil po prerokih svojih v pismih svetih, )
3 Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,
O svojem sinu, (rojenem iz semena Davidovega po mesu,
4 Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin,
Potrjenem za sina Božjega v moči z duhom svetosti po vstajanji mrtvih, ) Jezusu Kristusu, Gospodu našem,
5 Na sa pamamagitan niya'y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan;
(Po kterem smo prejeli milost in aposteljstvo na poslušnost vere med vsemi pogani za ime njegovo,
6 Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay Jesucristo:
Med kterimi ste tudi vi, poklicani Jezusa Kristusa, )
7 Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.
Vsem, kteri so v Rimu, ljubljenim Božjim, poklicanim svetim, milost vam in mir od Boga očeta našega in Gospoda Jezusa Kristusa.
8 Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.
Najprej se pa zahvaljujem Bogu svojemu po Jezusu Kristusu za vse vas, da se vera vaša oznanja po vsem svetu;
9 Sapagka't ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak, na walang patid na aking kayong binabanggit, sa aking mga panalangin,
Kajti priča mi je Bog, kteremu služim v duhu svojem v evangelji sina njegovega, da se vas neprenehoma spominjam,
10 At laging isinasamo ko, kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating sa inyo.
Vsegdar v svojih molitvah proseč, da bi se mi kako uže posrečilo v volji Božjej priti k vam.
11 Sapagka't ninanasa kong makita kayo, upang ako'y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo'y mangagsitibay;
Kajti močno želim videti vas, da bi vam dal kakošen duhovni dar za potrjenje vaše;
12 Sa makatuwid baga, upang ako't kayo ay maaliw sa inyo, ang bawa't isa sa atin sa pananampalataya ng iba, ang sa inyo at sa akin.
A to je, da se skup porazveselimo z vami s skupno vero, vašo in mojo.
13 At hindi ko ibig, mga kapatid, na hindi ninyo matalastas na madalas kong inaakalang makarating sa inyo (datapuwa't hanggang ngayon ako'y nahahadlangan), upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga, na gaya sa mga ibang Gentil.
Ne čem pa, bratje, da bi ne vedeli, da sem mnogi krat namenil priti k vam, (pa sem bil zadržan noter do sedaj, ) da bi kakošen sad dobil tudi med vami, kakor tudi med drugimi pogani.
14 Ako'y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang.
Grkom in pa divjakom, modrim in pa neumnim sem dolžnik.
15 Kaya nga, sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma.
Tako, kar se mene tiče, voljen sem tudi vam, kteri ste v Rimu, evangelj oznaniti.
16 Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.
Kajti ne sramujem se evangelja Kristusovega, ker je moč Božja na zveličanje vsakemu, kteri veruje, Judu pa najprej in Grku.
17 Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ker se pravica Božja v njem razodeva iz vere v vero, kakor je pisano: "A pravični bo od vere živel."
18 Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;
Kajti razodeva se jeza Božja z neba na vsako nepobožnost in krivico ljudî, kteri resnico v krivici zadržujejo;
19 Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila.
Kajti kar je znano za Boga, očitno je med njimi, ker jim je Bog razodel.
20 Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan: (aïdios g126)
Ker kar se na njem ne more videti, to se od ustvarjenja sveta opaža in vidi na delih: njegova večna moč in božanstvo, da jih ni moči zagovarjati. (aïdios g126)
21 Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.
Kajti spoznavši Boga, niso ga kakor Boga postavili niti mu zahvalili, nego zmelo se jim je v njih mislih in potamnelo je njih nerazumno srce.
22 Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,
Izdajajoč se za modre, ponoreli so,
23 At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
In premenili so slavo netrohljivega Boga s podobo obraza trohljivega človeka in ptic in četveronogih živali in lazečih zverin.
24 Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili:
Za to jih je tudi izročil Bog v željah src v nečistost, da se skrunijo njih telesa med njimi samimi;
25 Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Kteri so premenili resnico Božjo v laž in so izkazali večo čast in službo stvoru nego stvarniku, kteri je blagoslovljen na veke. Amen. (aiōn g165)
26 Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo:
Za to jih je izročil Bog v sramotne strasti, kajti njih ženske so premenile naravno upotrebljevanje v protinaravno;
27 At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.
A enako so tudi možki, zavrgši naravno upotrebljevanje ženske, unetili se v svojej želji eden za drugega, možki z možkimi sram počinjaje in zasluženo plačo svoje zmote na sebi samih prejemaje.
28 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;
In kakor niso odobrili, Boga imeti v spoznanji, izročil jih je Bog popačenej pameti, da so delali, kar ni spodobno,
29 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala,
Ter so bili napolnjeni vsake krivice, kurbarstva, malopridnosti, lakomnosti, hudobnosti, polni zavisti, ubojstva, prepira, zvijače, zlobnosti;
30 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,
Prišepetovalci, obrekovalci, zaničevalci Boga, grozovitniki, ošabniki, bahači, izmišljevalci hudega, roditeljem nepokorni;
31 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:
Nerazumni, ne držeči zaveze, brez ljubezni, nespravljivi, nemilostni;
32 Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Kteri, če ravno so spoznali Božjo pravico, da so, kteri taka dela delajo, vredni smrti, ne samo to delajo, nego tudi privoljujejo na to s temi, kteri to delajo.

< Mga Roma 1 >