< Pahayag 3 >
1 At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.
In angelu občine v Sardih piši: To pravi on, ki ima sedmero duhov Božjih in zvezd sedmero: Vem dela tvoja, da imaš ime, da živiš, in si mrtev.
2 Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios.
Zbúdi se in utrdi drugo, ki umira: kajti del tvojih nisem našel popolnjenih pred Bogom.
3 Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.
Spominjaj se torej, kako si prejel in slišal, in hrani in izpokóri se. Ako se torej ne zbudiš, pridem k tebi kakor tat, in vedel ne hodeš, o kateri uri pridem k tebi.
4 Nguni't mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat.
Imaš malo imén tudi v Sardih, katera niso oskrunila svojih oblék; in hodili bodo z menoj v belih, ker so vredni.
5 Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.
Kdor premaga, ta bode oblekel bele obleke; in izbrisal ne bodem imena njegovega iz knjige življenja, in spoznal bodem ime njegovo pred očetom svojim in pred angeli njegovimi.
6 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Kdor ima uho, naj sliši, kaj Duh govori občinam.
7 At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:
In angelu občine v Filadelfiji piši: To pravi sveti, resnični, on ki ima "ključ Davidov, kateri odpira, in nihče ne zapre, in zapira, in nihče ne odpre."
8 Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
Vem dela tvoja. Glej, dal sem pred te duri odprte, in nihče jih ne more zapreti; ker majhno imaš moč in hranil si besedo mojo, in zatajil nisi mojega imena.
9 Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.
Glej, dam iz zbornice satanove njé, ki pravijo, da so Judje, a niso, nego lažejo; glej, storil bodem, da pridejo in pokleknejo pred noge tvoje, in spoznajo, da sem te jaz ljubil.
10 Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.
Ker si ohranil stanovitnosti moje besedo, ohranil te bodem tudi jaz iz ure izkušnjave, katera ima priti na vesoljni svet, izkušat nje, ki prebivajo na zemlji.
11 Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong.
Glej, hitro pridem; hrani, kar imaš, da nihče ne vzame tvojega venca.
12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.
Kdor premaga, naredim ga za steber v svetiščih Boga svojega, in ven več ne izide, in zapišem nanj ime Boga svojega in ime mesta Boga svojega, novega Jeruzalema, kateri z neba shaja od Boga mojega, in ime moje novo.
13 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Kdor ima uho, naj sliši, kaj Duh govori občinam.
14 At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios:
In angelu občine Laodicejske piši: To pravi on, ki je amen, priča zvesta in resnična, začetek stvarjenja Božjega:
15 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.
Vem dela tvoja, da nisi ne mrzel ne vroč; da bi bil mrzel ali vroč!
16 Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.
Tako, ker si mlačen in ne mrzel ne vroč, bodem te izpljunil iz svojih ust.
17 Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad:
Ker praviš: Bogat sem in obogatel sem, in ničesa ne potrebujem, in ne veš, da tí si ubogi in nesrečni in siromaški in slepi in nagi;
18 Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.
Svetujem ti, da kupiš od mene zlatá očiščenega v ognji, da obogatiš; in oblačila bela, da jih oblečeš, in da se ne pokaže sramota nagosti tvoje; in z mazilom pomaži oči svoje, da bodeš videl.
19 Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi.
Jaz katere ljubim, kaznujem in pokorim; prizadevaj si torej in izpokori se.
20 Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.
Glej, pred vrati stojim in trkam; če kdo čuje glas moj in odpre vrata, vnidem k njemu, in večerjal bodem z njim in on z menoj.
21 Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.
Kdor premaga, dal mu bodem, da sedí z menoj na prestolu mojem, kakor sem tudi jaz premagal in sedel z očetom svojim na prestol njegov.
22 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Kdor ima uho, naj sliši, kaj Duh govori občinam.