< Pahayag 20 >

1 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos g12)
And I saw an angel coming down out of heaven, having the key of the great deep and a great chain in his hand. (Abyssos g12)
2 At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
And he took the dragon, the old snake, which is the Evil One and Satan, and put chains on him for a thousand years,
3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon. (Abyssos g12)
And put him into the great deep, and it was shut and locked over him, so that he might put the nations in error no longer, till the thousand years were ended: after this he will be let loose for a little time. (Abyssos g12)
4 At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
And I saw high seats, and they were seated on them, and the right of judging was given to them: and I saw the souls of those who were put to death for the witness of Jesus, and for the word of God, and those who did not give worship to the beast, or to his image, and had not his mark on their brows or on their hands; and they were living and ruling with Christ a thousand years.
5 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
The rest of the dead did not come to life again till the thousand years were ended. This is the first coming back from the dead.
6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
Happy and holy is he who has a part in this first coming: over these the second death has no authority, but they will be priests of God and of Christ, and will be ruling with him a thousand years.
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,
And when the thousand years are ended, Satan will be let loose out of his prison,
8 At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
And will go out to put in error the nations which are in the four quarters of the earth, Gog and Magog, to get them together to the war, the number of whom is like the sands of the sea.
9 At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.
And they went up over the face of the earth, and made a circle about the tents of the saints, and the well loved town: and fire came down out of heaven for their destruction.
10 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
And the Evil One who put them in error was sent down into the sea of ever-burning fire, where the beast and the false prophet are, and their punishment will go on day and night for ever and ever. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
11 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.
And I saw a great white seat, and him who was seated on it, before whose face the earth and the heaven went in flight; and there was no place for them.
12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
And I saw the dead, great and small, taking their places before the high seat; and the books were open, and another book was open, which is the book of life; and the dead were judged by the things which were in the books, even by their works.
13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. (Hadēs g86)
And the sea gave up the dead which were in it; and death and Hell gave up the dead which were in them; and they were judged every man by his works. (Hadēs g86)
14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
And death and Hell were put into the sea of fire. This is the second death, even the sea of fire. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Limnē Pyr g3041 g4442)
And if anyone's name was not in the book of life, he went down into the sea of fire. (Limnē Pyr g3041 g4442)

< Pahayag 20 >