< Pahayag 2 >
1 Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:
Sa anghel ng iglesia sa Efeso isulat: 'Ito ang mga salita ng isang may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay.' Ang isa na siyang lumakad sa gitna ng pitong mga gintong ilawan sinasabi ito,
2 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;
“Alam ko ang inyong ginawa at ang inyong mahirap na trabaho at ang inyong matiyagang pagtitiis, at hindi ninyo matiis ang mga kasaman at inyong sinubok ang mga umaangkin na sila ay mga apostol, pero hindi, at nakita ninyo na sila ay hindi totoo.
3 At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.
Alam ko na mayroon kayong matiyagang pagtitiis, at marami na kayong pinagdaanan dahil sa aking pangalan, at hindi kayo lumagong pagod.
4 Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig.
Pero ito ang ayaw ko laban sa inyo—iniwan ninyo ang inyong unang pag-ibig.
5 Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.
Kaya tandaan ninyo kung saan kayo nahulog. Magsisi kayo at gawin ninyo ang mga bagay na ginawa ninyo sa una. Malibang kayo ay magsisi, Ako ay darating sa iyo at aalisin ko ang ilawan mula sa kinalalagyan nito.
6 Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.
Pero kayo ay mayroon nito—kinapopootan ninyo ang mga ginawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko rin.
7 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.
Kung mayroon kayong tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isang na siyang nakalupig pahihintulutan ko na kumain mula sa puno ng buhay, na nasa paraiso ng Diyos.'
8 At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay:
Sa anghel ng iglesia ng Smirna isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang una at ang huli—siyang namatay at siyang muling nabuhay:'
9 Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.
“Alam ko ang inyong mga pagdurusa at inyong kahirapan (pero kayo ay mayaman), at ang paninirang-puri ng mga nagsasabing sila ay mga Judio (pero sila ay hindi—sila ay isang sinagoga ni Satanas).
10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.
Huwag katakutan ang tungkol sa pagdurusahan ninyo. Tingnan mo! Ihahagis ng diyablo ang ilan sa inyo sa kulungan para kayo ay subukin, at magdurusa kayo ng sampung araw. Maging tapat kayo hanggang kamatayan, at ibibigay ko sa inyo ang korona ng buhay.
11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan.
Kung kayo ay may tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang isa na siyang nakalupig ay hindi masasaktan sa pamamagitan ng ikalawang kamatayan.
12 At sa anghel ng iglesia sa Pergamo ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim:
Sa anghel ng iglesia ng Pergamo isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang may matalas na may magkabilang talim na espada:'
13 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.
“Alam ko kung saan kayo nakatira — kung nasaan ang trono ni Satanas. Gayon man mahigpit ninyong pinanghahawakan ang aking pangalan at hindi ninyo itinanggi ang inyong pananampalataya sa akin, kahit sa mga araw ni Antipas na aking saksi, aking matapat, na pinatay sa inyong kalagitnaan, doon nakatira si Satanas.
14 Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at makiapid.
Pero mayroon akong mga ilang bagay na laban sa inyo: Mayroon ilan sa inyo na mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ni Balaam, na nagturo kay Balak para ihagis ang isang hadlang sa harap ng mga anak ni Israel, sa gayon makakakain sila ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at maging sekswal na imoralidad.
15 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng mga Nicolaita.
Sa parehong paraan, may ilan din sa inyo na siyang mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ng mga Nicolaita.
16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.
Kaya magsisi kayo! Kung hindi, darating ako sa inyo nang hindi magtatagal, at ako ay gagawa ng digmaan laban sa kanila gamit ang espada na lumalabas sa aking bibig.
17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.
Kung mayroon kayong tainga, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isa na siyang nakalupig, ibibigay ko ang ilang nakatagong manna, at ibibigay ko ang isang puting bato na may isang bagong pangalan na nakasulat sa bato, isang pangalan na walang kahit isang nakakaalam kundi ang isa na siyang tumanggap nito.
18 At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:
Sa anghel ng iglesia ng Tiatira isulat: 'Ito ang mga salita ng Anak ng Diyos, na may mga mata na katulad ng ningas ng apoy at mga paa na gaya ng pinakintab na tanso:'
19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.
“Alam ko ang inyong mga ginawa — ang inyong pag-ibig, at panananampalataya, at paglilingkod, at ang inyong matiyagang pagtitiis at ang inyong mga ginawa kamakailan ay higit pa kaysa mga ginawa ninyo sa una.
20 Datapuwa't mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.
Pero mayroon akong laban sa inyo: pinahihintulutan ninyo ang babaeng si Jezebel, na tinatawag ang sarili niyang isang propeta. Sa pamamagitan ng kaniyang katuruan ay nililinlang niya ang aking mga lingkod na gumawa ng mga sekswal na imoralidad at kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan.
21 At binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.
Binigyan ko siya ng oras para magsisi pero hindi maluwag sa kaniyang kalooban na magsisi sa kaniyang imoralidad.
22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.
Bantayan ninyo! Ihahagis ko siya sa isang banig ng karamdaman, at ang mga gumawa ng pangangalunya kasama niya sa matinding pagdurusa, malibang sila ay magsisi sa anumang ginawa niya.
23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.
Hahampasin ko ang kaniyang mga anak hanggang mamatay, at ang lahat ng mga iglesia ay malalaman na ako ang siyang sumisiyasat sa mga kaisipan at mga nasain. Ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong ginawa.
24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.
Pero sa iba sa inyo sa Tiatira, sa lahat ng hindi pinanghahawakan ang katuruang ito, at hindi alam ang tinatawag ng iba na malalalim na mga bagay ni Satanas — sinasabi ko sa inyo, “hindi ko inilagay sa inyo ang anumang ibang pasanin.'
25 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako'y pumariyan.
Sa anumang kalagayan, dapat kayong humawak nang mahigpit hanggang ako ay dumating.
26 At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:
Ang isa na siyang nakalupig at siyang gumagawa ng mga ginawa ko hanggang sa huli, sa kaniya ko ibibigay ang kapangyarihan sa ibabaw ng mga bansa.
27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:
Siya ay mamumuno sa kanila gamit ang tungkod na bakal, sila ay dudurugin niya gaya ng mga palayok.'
28 At sa kaniya'y ibibigay ko ang tala sa umaga.
Gaya ng aking tinanggap mula sa aking Ama, ibibigay ko rin sa kaniya ang bituin sa umaga.
29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espirito sa mga iglesia.