< Pahayag 13 >
1 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.
And I stood on the sand of the sea, and saw a beast coming up out of the sea, and he had seven heads and ten horns, and on his horns ten diadems, and on his heads names impiously irreverent.
2 At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.
And the beast that I saw was like a leopard, and his feet were as those of a bear, and his mouth was as the mouth of a lion. And the dragon gave him his power, and his throne, and great authority.
3 At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa'y nanggilalas sa hayop;
And I saw one of his heads as if it had been wounded even to death; and his deadly wound was healed; and all the earth wondered after the beast.
4 At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?
And they worshiped the dragon, because he gave authority to the beast: and they worshiped the beast, saying, Who is like the beast? and, Who is able to make war with him?
5 At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan.
And there was given him a mouth that spoke great things and impious words; and authority was given to him to continue forty-two months.
6 At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.
And he opened his mouth in impious speeches against God, to utter impious words against his name, and his tabernacle, and against those who dwell in heaven.
7 At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.
And it was given him to make war with the saints, and to overcome them: and authority was given him over every tribe and people and tongue and nation.
8 At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.
And all that dwell upon the earth will worship him, those whose names are not written in the book of life of the Lamb that was slain from the foundation of the world.
9 Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig.
If any one has an ear, let him hear.
10 Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.
If any one leads into captivity, he shall go into captivity. If any kills with the sword, he must be killed with the sword. Here is the patience and faithfulness of the saints.
11 At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.
And I saw another beast coming up out of the earth; and he had two horns like a lamb, and he spoke as a dragon.
12 At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, na gumaling ang sugat na ikamamatay.
And he exercises all the authority of the first beast in his presence; and he causes the earth and those who dwell in it to worship the first beast, whose deadly wound was healed.
13 At siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao.
And he does great signs, and even causes fire to descend from heaven upon the earth in the sight of men.
14 At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.
And he deceives those who dwell on the earth, by means of the signs which he is allowed to do in the presence of the beast, saying to those who dwell on the earth, that they should make an image for the beast which had the wound by the sword, and did live.
15 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.
And it was granted him to give spirit to the image of the beast, that the image of the beast should both speak, and cause as many as would not worship the image of the beast, to be killed.
16 At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;
And he causes all, small and great, rich and poor, free and bond, to receive a mark on their right hand, or on their forehead,
17 At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.
and that no one should be able to buy or sell, but he that had the mark, the name of the beast, or the number of his name.
18 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.
Here is wisdom. Let him that has understanding, count the number of the beast: for it is the number of a man, and his number is six hundred and sixty-six.