< Mga Awit 94 >
1 Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
Yahweh, ang Diyos na naghihiganti, magliwanag ka sa amin.
2 Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
Bumangon ka, hukom ng mundo, ibigay mo sa mapagmalaki kung ano ang nararapat sa kanila.
3 Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
Yahweh, gaano magtatagal ang kasamaan, gaano magtatagal ang kaligayahan ng masasama?
4 Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
Nagbubuhos (sila) ng pagmamataas at mapanghamon na mga salita, at nagmamayabang silang lahat.
5 Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana.
Wawasakin nila ang iyong bayan, Yahweh; sinasaktan nila ang bansa na nabibilang sa iyo.
6 Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila.
Pinapatay nila ang balo at ang dayuhan, at pinapaslang nila ang mga ulila.
7 At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
Sinasabi nila, “Hindi makikita ni Yahweh, ang Diyos ni Jacob ay hindi mapapansin ito.”
8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
Unawain ninyo, kayong mangmang; kayong mga hangal, kailan kayo matututo?
9 Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
Siya na lumikha ng tainga, hindi ba niya naririnig? Siyang naghulma ng mata, hindi ba siya nakakakita?
10 Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
Siya na dumidisiplina ng mga bansa, hindi ba niya tinatama? Siya ang nagbigay ng kaalaman sa tao.
11 Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan.
Alam ni Yahweh ang isipan ng mga tao, na (sila) ay masama.
12 Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan.
Pinagpala siya na iyong tinuruan, Yahweh, siya na tinuruan mo mula sa iyong batas.
13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
Binigyan mo siya ng kapahingahan sa oras ng kaguluhan hanggang ang isang hukay ang binungkal para sa masasama.
14 Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
Dahil hindi iiwanan ni Yahweh ang kaniyang mga tao o pababayaan ang kanyang pag-aari.
15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso.
Dahil mananaig ang katarungan; at lahat ng matuwid ay susunod.
16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
Sino ang babangon para ipagtanggol ako mula sa mga gumagawa ng masama? Sino ang tatayo para sa akin laban sa mga masasama?
17 Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
Maliban na lang kung si Yahweh ang aking naging tulong, sa kalaunan, ako ay hihiga sa lugar ng katahimikan.
18 Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
Nang sinabi ko, “Ang aking paa ay nadudulas,” ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay itinaas ako.
19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
Kapag ang mga alalahanin na nasa akin ay nagbabadya na tabunan ako, ang iyong kaginhawaan ang nagpapasaya sa akin.
20 Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
Kaya ba ng masasamang mga pinuno na makiisa sa iyo, silang mga gumawa ng walang katarungan sa pamamagitan ng alituntunin?
21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo.
(Sila) ay magkasama na nagsasabwatan para kunin ang buhay ng matuwid at kanilang sinsusumpa sa kamatayan ang walang sala.
22 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan.
Pero si Yahweh ang naging matayog kong tore, at ang aking Diyos ang naging bato sa aking kanlungan.
23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya (sila) sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay (sila) ng Panginoon naming Dios.
Dadalhin niya sa kanila ang kanilang sariling labis na kasalanan at puputulin niya ang sarili nilang kasamaan. Si Yahweh ang ating Diyos ang puputol sa kanila.