< Mga Awit 89 >

1 Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
Intellectus Ethan Ezrahitæ. Misericordias Domini in æternum cantabo. In generationem et generationem annunciabo veritatem tuam in ore meo.
2 Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man: ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.
Quoniam dixisti: In æternum misericordia ædificabitur in cælis: præparabitur veritas tua in eis.
3 Ako'y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod;
Disposui testamentum electis meis, iuravi David servo meo:
4 Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. (Selah)
usque in æternum præparabo semen tuum. Et ædificabo in generationem, et generationem sedem tuam.
5 At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon; ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal.
Confitebuntur cæli mirabilia tua Domine: etenim veritatem tuam in ecclesia sanctorum.
6 Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
Quoniam quis in nubibus æquabitur Domino: similis erit Deo in filiis Dei?
7 Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?
Deus, qui glorificatur in consilio sanctorum: magnus et terribilis super omnes qui in circuitu eius sunt.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.
Domine Deus virtutum quis similis tibi? potens es Domine, et veritas tua in circuitu tuo.
9 Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat: pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.
Tu dominaris potestati maris: motum autem fluctuum eius tu mitigas.
10 Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay; iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
Tu humiliasti sicut vulneratum, superbum: in brachio virtutis tuæ dispersisti inimicos tuos.
11 Ang langit ay iyo, ang lupa ay iyo rin: ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag,
Tui sunt cæli, et tua est terra, orbem terræ et plenitudinem eius tu fundasti:
12 Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha; ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.
aquilonem, et mare tu creasti. Thabor et Hermon in nomine tuo exultabunt:
13 Ikaw ay may makapangyarihang bisig: malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.
tuum brachium cum potentia. Firmetur manus tua, et exaltetur dextera tua:
14 Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
iustitia et iudicium præparatio sedis tuæ. Misericordia et veritas præcedent faciem tuam:
15 Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog: sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
beatus populus, qui scit iubilationem. Domine, in lumine vultus tui ambulabunt,
16 Sa iyong pangalan ay nangagagalak (sila) buong araw: at sa iyong katuwiran ay nangatataas (sila)
et in nomine tuo exultabunt tota die: et in iustitia tua exaltabuntur.
17 Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan: at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay.
Quoniam gloria virtutis eorum tu es: et in beneplacito tuo exaltabitur cornu nostrum.
18 Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon; at ang aming hari ay sa banal ng Israel.
Quia Domini est assumptio nostra: et sancti Israel regis nostri.
19 Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
Tunc locutus es in visione sanctis tuis, et dixisti: Posui adiutorium in potente: et exaltavi electum de plebe mea.
20 Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
Inveni David servum meum: oleo sancto meo unxi eum.
21 Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig.
Manus enim mea auxiliabitur ei: et brachium meum confortabit eum.
22 Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
Nihil proficiet inimicus in eo, et filius iniquitatis non apponet nocere ei.
23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
Et concidam a facie ipsius inimicos eius: et odientes eum in fugam convertam.
24 Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay.
Et veritas mea, et misericordia mea cum ipso: et in nomine meo exaltabitur cornu eius.
25 Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
Et ponam in mari manum eius: et in fluminibus dexteram eius.
26 Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
Ipse invocabit me: Pater meus es tu: Deus meus, et susceptor salutis meæ:
27 Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa.
Et ego primogenitum ponam illum excelsum præ regibus terræ.
28 Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
In æternum servabo illi misericordiam meam: et testamentum meum fidele ipsi.
29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit.
Et ponam in sæculum sæculi semen eius: et thronum eius sicut dies cæli.
30 Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
Si autem dereliquerint filii eius legem meam: et in iudiciis meis non ambulaverint:
31 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko;
Si iustitias meas profanaverint: et mandata mea non custodierint:
32 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
Visitabo in virga iniquitates eorum: et in verberibus peccata eorum.
33 Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
Misericordiam autem meam non dispergam ab eo: neque nocebo in veritate mea:
34 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
Neque profanabo testamentum meum: et quæ procedunt de labiis meis non faciam irrita.
35 Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David;
Semel iuravi in sancto meo, si David mentiar:
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko.
semen eius in æternum manebit. Et thronus eius sicut Sol in conspectu meo,
37 Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah)
et sicut Luna perfecta in æternum: et testis in cælo fidelis.
38 Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
Tu vero repulisti et despexisti: distulisti Christum tuum.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
Evertisti testamentum servi tui: profanasti in terra Sanctuarium eius.
40 Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
Destruxisti omnes sepes eius: posuisti firmamentum eius formidinem.
41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
Diripuerunt eum omnes transeuntes viam: factus est opprobrium vicinis suis.
42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
Exaltasti dexteram deprimentium eum: lætificasti omnes inimicos eius.
43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
Avertisti adiutorium gladii eius: et non es auxiliatus ei in bello.
44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
Destruxisti eum ab emundatione: et sedem eius in terram collisisti.
45 Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan: iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
Minorasti dies temporis eius: perfudisti eum confusione.
46 Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
Usquequo Domine avertis in finem: exardescet sicut ignis ira tua?
47 Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
Memorare quæ mea substantia: numquid enim vane constituisti omnes filios hominum?
48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah) (Sheol h7585)
Quis est homo, qui vivet, et non videbit mortem: eruet animam suam de manu inferi? (Sheol h7585)
49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
Ubi sunt misericordiæ tuæ antiquæ Domine, sicut iurasti David in veritate tua?
50 Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
Memor esto Domine opprobrii servorum tuorum (quod continui in sinu meo) multarum gentium.
51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
Quod exprobraverunt inimici tui Domine, quod exprobraverunt commutationem Christi tui.
52 Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa.
Benedictus Dominus in æternum: fiat, fiat.

< Mga Awit 89 >