< Mga Awit 82 >

1 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol.
2 Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah)
Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? (Selah)
3 Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha.
4 Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo (sila) sa kamay ng masama,
Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo (sila) sa kamay ng masasama.
5 Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy (sila) sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho.
6 Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.
7 Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.”
8 Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.
Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.

< Mga Awit 82 >