< Mga Awit 82 >
1 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
Psalmus Asaph. [Deus stetit in synagoga deorum; in medio autem deos dijudicat.
2 Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah)
Usquequo judicatis iniquitatem, et facies peccatorum sumitis?
3 Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
Judicate egeno et pupillo; humilem et pauperem justificate.
4 Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo (sila) sa kamay ng masama,
Eripite pauperem, et egenum de manu peccatoris liberate.
5 Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
Nescierunt, neque intellexerunt; in tenebris ambulant: movebuntur omnia fundamenta terræ.
6 Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
Ego dixi: Dii estis, et filii Excelsi omnes.
7 Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
Vos autem sicut homines moriemini, et sicut unus de principibus cadetis.
8 Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.
Surge, Deus, judica terram, quoniam tu hæreditabis in omnibus gentibus.]