< Mga Awit 78 >
1 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
亚萨的训诲诗。 我的民哪,你们要留心听我的训诲, 侧耳听我口中的话。
2 Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:
我要开口说比喻; 我要说出古时的谜语,
3 Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
是我们所听见、所知道的, 也是我们的祖宗告诉我们的。
4 Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
我们不将这些事向他们的子孙隐瞒, 要将耶和华的美德和他的能力, 并他奇妙的作为,述说给后代听。
5 Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
因为,他在雅各中立法度, 在以色列中设律法; 是他吩咐我们祖宗要传给子孙的,
6 Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
使将要生的后代子孙可以晓得; 他们也要起来告诉他们的子孙,
7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
好叫他们仰望 神, 不忘记 神的作为, 惟要守他的命令。
8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
不要像他们的祖宗, 是顽梗悖逆、居心不正之辈, 向着 神,心不诚实。
9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
以法莲的子孙带着兵器,拿着弓, 临阵之日转身退后。
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
他们不遵守 神的约, 不肯照他的律法行;
11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
又忘记他所行的 和他显给他们奇妙的作为。
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan.
他在埃及地,在琐安田, 在他们祖宗的眼前施行奇事。
13 Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya (sila) at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
他将海分裂,使他们过去, 又叫水立起如垒。
14 Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan (sila) sa pamamagitan ng isang ulap, at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
他白日用云彩, 终夜用火光引导他们。
15 Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya (sila) ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
他在旷野分裂磐石, 多多地给他们水喝,如从深渊而出。
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
他使水从磐石涌出, 叫水如江河下流。
17 Gayon ma'y nagkasala uli (sila) laban sa kaniya, upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
他们却仍旧得罪他, 在干燥之地悖逆至高者。
18 At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
他们心中试探 神, 随自己所欲的求食物,
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
并且妄论 神说: 神在旷野岂能摆设筵席吗?
20 Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
他曾击打磐石,使水涌出,成了江河; 他还能赐粮食吗? 还能为他的百姓预备肉吗?
21 Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
所以,耶和华听见就发怒; 有烈火向雅各烧起; 有怒气向以色列上腾;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
因为他们不信服 神, 不倚赖他的救恩。
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit;
他却吩咐天空, 又敞开天上的门,
24 At pinaulanan niya (sila) ng mana upang makain. At binigyan (sila) ng trigo ng langit.
降吗哪,像雨给他们吃, 将天上的粮食赐给他们。
25 Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya (sila) ng pagkain hanggang sa nangabusog.
各人吃大能者的食物; 他赐下粮食,使他们饱足。
26 Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
他领东风起在天空, 又用能力引了南风来。
27 Pinaulanan naman niya (sila) ng karne na parang alabok, at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
他降肉,像雨在他们当中,多如尘土, 又降飞鸟,多如海沙,
28 At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, sa palibot ng kanilang mga tahanan.
落在他们的营中, 在他们住处的四面。
29 Sa gayo'y nagsikain (sila) at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita.
他们吃了,而且饱足; 这样就随了他们所欲的。
30 Hindi (sila) nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
他们贪而无厌, 食物还在他们口中的时候,
31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel.
神的怒气就向他们上腾, 杀了他们内中的肥壮人, 打倒以色列的少年人。
32 Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa (sila) at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
虽是这样,他们仍旧犯罪, 不信他奇妙的作为。
33 Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
因此,他叫他们的日子全归虚空, 叫他们的年岁尽属惊恐。
34 Nang kaniyang patayin (sila) sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
他杀他们的时候,他们才求问他, 回心转意,切切地寻求 神。
35 At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos.
他们也追念 神是他们的磐石, 至高的 神是他们的救赎主。
36 Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
他们却用口谄媚他, 用舌向他说谎。
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man (sila) sa kaniyang tipan.
因他们的心向他不正, 在他的约上也不忠心。
38 Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi (sila) nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot.
但他有怜悯, 赦免他们的罪孽, 不灭绝他们, 而且屡次消他的怒气, 不发尽他的忿怒。
39 At naalaala niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
他想到他们不过是血气, 是一阵去而不返的风。
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang, at pinapanglaw nila siya sa ilang!
他们在旷野悖逆他, 在荒地叫他担忧,何其多呢!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel.
他们再三试探 神, 惹动以色列的圣者。
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin (sila) sa kaaway.
他们不追念他的能力 和赎他们脱离敌人的日子;
43 Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
他怎样在埃及地显神迹, 在琐安田显奇事,
44 At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi (sila) makainom.
把他们的江河并河汊的水都变为血, 使他们不能喝。
45 Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila.
他叫苍蝇成群落在他们当中,嘬尽他们, 又叫青蛙灭了他们,
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang.
把他们的土产交给蚂蚱, 把他们辛苦得来的交给蝗虫。
47 Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo, at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
他降冰雹打坏他们的葡萄树, 下严霜打坏他们的桑树,
48 Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo, at sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
又把他们的牲畜交给冰雹, 把他们的群畜交给闪电。
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit, poot at galit, at kabagabagan, pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
他使猛烈的怒气和忿怒、恼恨、苦难 成了一群降灾的使者,临到他们。
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
他为自己的怒气修平了路, 将他们交给瘟疫, 使他们死亡,
51 At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto, ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham:
在埃及击杀一切长子, 在含的帐棚中击杀他们强壮时头生的。
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan (sila) sa ilang na parang kawan.
他却领出自己的民如羊, 在旷野引他们如羊群。
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi (sila) nangatakot: nguni't tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
他领他们稳稳妥妥地,使他们不致害怕; 海却淹没他们的仇敌。
54 At dinala niya (sila) sa hangganan ng kaniyang santuario, sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
他带他们到自己圣地的边界, 到他右手所得的这山地。
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
他在他们面前赶出外邦人, 用绳子将外邦的地量给他们为业, 叫以色列支派的人住在他们的帐棚里。
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik (sila) laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
他们仍旧试探、悖逆至高的 神, 不守他的法度,
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: sila'y nagsilisyang parang magdarayang busog.
反倒退后,行诡诈,像他们的祖宗一样; 他们改变,如同翻背的弓。
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
因他们的邱坛惹了他的怒气; 因他们雕刻的偶像触动他的愤恨。
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel:
神听见就发怒, 极其憎恶以色列人。
60 Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo, ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
甚至他离弃示罗的帐幕, 就是他在人间所搭的帐棚;
61 At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
又将他的约柜交与人掳去, 将他的荣耀交在敌人手中;
62 Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak; at napoot sa kaniyang mana.
并将他的百姓交与刀剑, 向他的产业发怒。
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata; at ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
少年人被火烧灭; 处女也无喜歌。
64 Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
祭司倒在刀下, 寡妇却不哀哭。
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog, gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
那时,主像世人睡醒, 像勇士饮酒呼喊。
66 At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway: inilagay niya (sila) sa laging kadustaan.
他就打退了他的敌人, 叫他们永蒙羞辱;
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose, at hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
并且他弃掉约瑟的帐棚, 不拣选以法莲支派,
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda, ang bundok ng Zion na kaniyang inibig.
却拣选犹大支派—他所喜爱的锡安山;
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan, parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
盖造他的圣所,好像高峰, 又像他建立永存之地;
70 Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
又拣选他的仆人大卫, 从羊圈中将他召来,
71 Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
叫他不再跟从那些带奶的母羊, 为要牧养自己的百姓雅各 和自己的产业以色列。
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya (sila) sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
于是,他按心中的纯正牧养他们, 用手中的巧妙引导他们。