< Mga Awit 76 >

1 Sa Juda ay kilala ang Dios: ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
Ipinakilala ng Diyos ang kaniyang sarili sa Juda; ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
2 Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo, at ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
Ang kaniyang tolda ay nasa Salem; ang kaniyang pinananahanan ay nasa Sion.
3 Doo'y binali niya ang mga pana ng busog; at kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
Doon, sinira ang mga palaso ng pana, ang kalasag, ang espada, at ang ibang mga sandata sa labanan. (Selah)
4 Maluwalhati ka at marilag, mula sa mga bundok na hulihan.
Kumikinang ka at ipinakita mo ang inyong kaluwalhatian, habang bumababa ka mula sa mga bundok, kung saan pinatay mo ang iyong mga biktima.
5 Ang mga puso na matapang ay nasamsaman, sila'y nangatulog ng kanilang pagtulog; at wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
Ang mga matatapang ay nanakawan; nakatulog (sila) Lahat ng mga mandirigma ay walang nagawa.
6 Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob, ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
Sa iyong pagsaway, Diyos ni Jacob, parehong nakatulog ang kabayo at ang sakay nito.
7 Ikaw, ikaw ay katatakutan: at sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
Totoong ikaw nga ay dapat katakutan; sino ang makakatagal sa iyong paningin kapag ikaw ay nagalit?
8 Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik,
Ang iyong paghatol ay nagmula sa langit; ang mundo ay takot at tahimik.
9 Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol, upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
Ikaw, O Diyos, ay tumindig para isagawa ang paghatol at para iligtas ang lahat ng naapi sa mundo. (Selah)
10 Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao: ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
Tunay nga, na ang iyong galit na paghatol sa mga taong iyon ay magdadala sa iyo ng papuri. Ganap mong ipinakita ang iyong galit.
11 Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios: magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
Gumawa kayo ng mga pangako kay Yahweh na iyong Diyos at tuparin ang mga ito. Nawa lahat ng nakapaligid sa kaniya ay magdala ng kaloob, na siyang dapat katakutan.
12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo: siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.
Ibinababa niya ang lakas ng loob ng mga prinsipe; siya ay kinatatakutan ng mga hari sa mundo.

< Mga Awit 76 >