< Mga Awit 71 >

1 Sa iyo Oh Panginoon, nanganganlong ako: huwag akong mapahiya kailan man.
До Те́бе вдаюся я. Господи, — хай же не бу́ду повік засоро́млений! —
2 Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
ви́зволь мене через правду Свою, і звільни́ мене, нахили Своє ухо до мене, й спаси́ мене,
3 Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi: ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako; sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
стань для мене за скелю мешка́льну, куди міг би я за́вжди ховатись! Ти наказав рятува́ти мене, бо Ти скеля моя та тверди́ня моя!
4 Sagipin mo ako, Oh aking Dios, sa kamay ng masama, sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
Бо́же мій, визволь мене від руки беззако́нного, від руки́ того, хто кривдить та гно́бить мене,
5 Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
Ти бо, Влади́ко, наді́я моя, Господи, Ти охоро́на моя від юна́цького віку мого!
6 Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata: ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina: ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
На Тебе опе́рся я був від наро́дження, від утроби моєї матері — Ти охоро́на моя, в Тобі моя слава постійно!
7 Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami; nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
Я став багатьо́м, як диво́вище, — та Ти си́льна моя охоро́на!
8 Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw.
Уста́ мої повні Твоєї хвали́, уве́сь день — Твоєї вели́чности!
9 Huwag mo akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
Не кидай мене на час ста́рости, коли зме́ншиться сила моя, не лиши Ти мене,
10 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin: at silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
бо мої вороги проти мене змовля́ються, а ті, що чату́ють на душу мою — нараджа́ються ра́зом,
11 Na nangagsasabi, pinabayaan siya ng Dios: iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
гово́рячи: „Бог покинув його, — доганяйте й хапа́йте його, бо нема, хто б його врятува́в!“
12 Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin: Oh Dios ko, magmadali kang tulungan mo ako.
Не відда́люйся, Боже, від мене, Боже мій — поспіши́ся ж на поміч мені!
13 Mangapahiya at mangalipol (sila) na mga kaaway ng aking kaluluwa; mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri (sila) na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
Нехай посоро́мляться, хай позника́ють усі, хто нена́видить душу мою, бодай зодягли́ся в нару́гу та в со́ром усі, хто пра́гне для мене лихо́го!
14 Nguni't ako'y maghihintay na palagi, at pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
А я буду постійно наді́ятись, і славу Твою над усе я помно́жу!
15 Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, at ng iyong pagliligtas buong araw; sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
Уста́ мої оповіда́тимуть правду Твою, про спасі́ння Твоє — увесь день, бо числа́ їх не знаю, —
16 Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios: aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang.
буду сла́вити вчи́нки великі всевла́дного Господа, згада́ю про правду Твою, єди́но Твою!
17 Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
Боже, навчав Ти мене від юна́цтва мого, — і аж дотепе́р я звіщаю про чу́да Твої.
18 Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
А Ти, Боже, не кидай мене аж до ста́рости та сивини́, поки я не звіщу́ про раме́но Твоє поколі́нню, і кожному, хто́ тільки при́йде — про чи́ни великі Твої!
19 Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo.
Бо Твоя справедли́вість, о Боже, сягає аж до високо́сти, Боже, що речі великі вчини́в, — хто рівний Тобі?
20 Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan, bubuhayin mo uli kami, at ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa.
Ти мені показав був великі та люті нещастя, та знов Ти ожи́виш мене, і з безо́день землі мене зно́ву Ти ви́тягнеш,
21 Palaguin mo ang aking kadakilaan, at bumalik ka uli, at aliwin mo ako.
Ти збі́льшиш величність мою, і знову поті́шиш мене!
22 Pupurihin din kita ng salterio, ang iyong katotohanan, Oh Dios ko; sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa, Oh ikaw na Banal ng Israel.
А я буду на а́рфі хвалити Тебе, Твою правду, мій Боже, із гу́слами буду співати Тобі, Святий Ти Ізраїлів!
23 Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo; at ang kaluluwa ko, na iyong tinubos.
Нехай співом раді́ють уста́ мої, бо буду співати Тобі я та душа моя, яку Ти врятува́в!
24 Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw: sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
Шепо́че про правду Твою мій язик ці́лий день, бо посоро́млені, бо пога́ньблені всі, хто шукає лихо́го для мене!

< Mga Awit 71 >