< Mga Awit 70 >

1 Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako; magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.
לַמְנַצֵּחַ לְדָוִד לְהַזְכִּֽיר׃ אֱלֹהִים לְהַצִּילֵנִי יְהוָה לְעֶזְרָתִי חֽוּשָֽׁה׃
2 Mangapahiya at mangalito (sila) na nagsisiusig ng aking kaluluwa: mangapatalikod (sila) at mangadala sa kasiraang puri. Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.
יֵבֹשׁוּ וְיַחְפְּרוּ מְבַקְשֵׁי נַפְשִׁי יִסֹּגוּ אָחוֹר וְיִכָּלְמוּ חֲפֵצֵי רָעָתִֽי׃
3 Mangapatalikod (sila) dahil sa kanilang kahihiyan. Silang nangagsasabi, Aha, aha.
יָשׁוּבוּ עַל־עֵקֶב בָּשְׁתָּם הָאֹמְרִים הֶאָח ׀ הֶאָֽח׃
4 Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo; at magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan: Dakilain ang Dios.
יָשִׂישׂוּ וְיִשְׂמְחוּ ׀ בְּךָ כָּֽל־מְבַקְשֶׁיךָ וְיֹאמְרוּ תָמִיד יִגְדַּל אֱלֹהִים אֹהֲבֵי יְשׁוּעָתֶֽךָ׃
5 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; magmadali ka sa akin, Oh Dios: ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas; Oh Panginoon, huwag kang magluwat.
וַאֲנִי ׀ עָנִי וְאֶבְיוֹן אֱלֹהִים חֽוּשָׁה־לִּי עֶזְרִי וּמְפַלְטִי אַתָּה יְהוָה אַל־תְּאַחַֽר׃

< Mga Awit 70 >