< Mga Awit 69 >

1 Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
Al maestro del coro. Su «I gigli». Di Davide. Salvami, o Dio: l'acqua mi giunge alla gola.
2 Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
Affondo nel fango e non ho sostegno; sono caduto in acque profonde e l'onda mi travolge.
3 Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
Sono sfinito dal gridare, riarse sono le mie fauci; i miei occhi si consumano nell'attesa del mio Dio.
4 Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
Più numerosi dei capelli del mio capo sono coloro che mi odiano senza ragione. Sono potenti i nemici che mi calunniano: quanto non ho rubato, lo dovrei restituire?
5 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
Dio, tu conosci la mia stoltezza e le mie colpe non ti sono nascoste.
6 Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.
Chi spera in te, a causa mia non sia confuso, Signore, Dio degli eserciti; per me non si vergogni chi ti cerca, Dio d'Israele.
7 Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
Per te io sopporto l'insulto e la vergogna mi copre la faccia;
8 Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
sono un estraneo per i miei fratelli, un forestiero per i figli di mia madre.
9 Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.
Poiché mi divora lo zelo per la tua casa, ricadono su di me gli oltraggi di chi ti insulta.
10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin.
Mi sono estenuato nel digiuno ed è stata per me un'infamia.
11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila.
Ho indossato come vestito un sacco e sono diventato il loro scherno.
12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango.
Sparlavano di me quanti sedevano alla porta, gli ubriachi mi dileggiavano.
13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,
Ma io innalzo a te la mia preghiera, Signore, nel tempo della benevolenza; per la grandezza della tua bontà, rispondimi, per la fedeltà della tua salvezza, o Dio.
14 Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
Salvami dal fango, che io non affondi, liberami dai miei nemici e dalle acque profonde.
15 Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
Non mi sommergano i flutti delle acque e il vortice non mi travolga, l'abisso non chiuda su di me la sua bocca.
16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti: ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.
Rispondimi, Signore, benefica è la tua grazia; volgiti a me nella tua grande tenerezza.
17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.
Non nascondere il volto al tuo servo, sono in pericolo: presto, rispondimi.
18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo: Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.
Avvicinati a me, riscattami, salvami dai miei nemici.
19 Talastas mo ang aking kadustaan, at ang aking kahihiyan, at ang aking kasiraang puri: ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.
Tu conosci la mia infamia, la mia vergogna e il mio disonore; davanti a te sono tutti i miei nemici.
20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala; at mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.
L'insulto ha spezzato il mio cuore e vengo meno. Ho atteso compassione, ma invano, consolatori, ma non ne ho trovati.
21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.
Hanno messo nel mio cibo veleno e quando avevo sete mi hanno dato aceto.
22 Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.
La loro tavola sia per essi un laccio, una insidia i loro banchetti.
23 Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.
Si offuschino i loro occhi, non vedano; sfibra per sempre i loro fianchi.
24 Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan (sila) ng kabangisan ng iyong galit.
Riversa su di loro il tuo sdegno, li raggiunga la tua ira ardente.
25 Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda.
La loro casa sia desolata, senza abitanti la loro tenda;
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
perché inseguono colui che hai percosso, aggiungono dolore a chi tu hai ferito.
27 At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran.
Imputa loro colpa su colpa e non ottengano la tua giustizia.
28 Mapawi (sila) sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid.
Siano cancellati dal libro dei viventi e tra i giusti non siano iscritti.
29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw: sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.
Io sono infelice e sofferente; la tua salvezza, Dio, mi ponga al sicuro.
30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios, at dadakilain ko siya ng pasalamat.
Loderò il nome di Dio con il canto, lo esalterò con azioni di grazie,
31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa.
che il Signore gradirà più dei tori, più dei giovenchi con corna e unghie.
32 Nakita ng mga maamo, at nangatuwa: mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
Vedano gli umili e si rallegrino; si ravvivi il cuore di chi cerca Dio,
33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan, at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
poiché il Signore ascolta i poveri e non disprezza i suoi che sono prigionieri.
34 Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat, at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.
A lui acclamino i cieli e la terra, i mari e quanto in essi si muove.
35 Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda; at sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.
Perché Dio salverà Sion, ricostruirà le città di Giuda: vi abiteranno e ne avranno il possesso.
36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.
La stirpe dei suoi servi ne sarà erede, e chi ama il suo nome vi porrà dimora.

< Mga Awit 69 >