< Mga Awit 67 >
1 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
Maging maawain nawa ang Diyos sa atin at pagpalain tayo at pahintulutan na magningning ang kaniyang mukha sa atin
2 Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.
nang sa gayon ang iyong mga pamamaraan ay maihayag sa lupa, ang iyong kaligtasan sa lahat ng mga bansa.
3 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaan mong purihin ka ng lahat.
4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
O, hayaan mong matuwa at umawit sa galak ang mga bansa para sa iyo, dahil hahatulan mo ang mga tao nang may katarungan at pamumunuan mo ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaang mong purihin ka ng lahat.
6 Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
Pinalago ng lupa ang ani nito at ang Diyos, ang ating Diyos, ang nagpala sa atin.
7 Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.
Pinagpala tayo ng Diyos, at pinararangalan siya sa lahat ng sulok ng mundo.