< Mga Awit 65 >

1 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion: at sa iyo'y maisasagawa ang panata.
למנצח מזמור לדוד שיר ב לך דמיה תהלה אלהים בציון ולך ישלם-נדר
2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
שמע תפלה-- עדיך כל-בשר יבאו
3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo.
דברי עונת גברו מני פשעינו אתה תכפרם
4 Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo.
אשרי תבחר ותקרב-- ישכן חצריך נשבעה בטוב ביתך קדש היכלך
5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, at nila na malayo sa dagat:
נוראות בצדק תעננו-- אלהי ישענו מבטח כל-קצוי-ארץ וים רחקים
6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
מכין הרים בכחו נאזר בגבורה
7 Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, ng hugong ng kanilang mga alon, at ng kaingay ng mga bayan.
משביח שאון ימים--שאון גליהם והמון לאמים
8 (Sila) naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda: ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
וייראו ישבי קצות--מאותתיך מוצאי בקר וערב תרנין
9 Iyong dinadalaw ang lupa, at dinidilig mo, iyong pinayayamang mainam; ang ilog ng Dios ay puno ng tubig: iyong pinagtataanan (sila) ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
פקדת הארץ ותשקקה רבת תעשרנה-- פלג אלהים מלא מים תכין דגנם כי-כן תכינה
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana; iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal; iyong mga pinalalambot ng ambon; iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
תלמיה רוה נחת גדודה ברביבים תמגגנה צמחה תברך
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan; at ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
עטרת שנת טובתך ומעגליך ירעפון דשן
12 Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang; at ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
ירעפו נאות מדבר וגיל גבעות תחגרנה
13 Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan; ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo; sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, (sila) naman ay nagsisiawit.
לבשו כרים הצאן-- ועמקים יעטפו-בר יתרועעו אף-ישירו

< Mga Awit 65 >