< Mga Awit 61 >
1 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin.
O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin.
2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
Tumatawag ako mula sa dulo ng daigdig kapag nagapi ang aking puso; dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin.
3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway.
Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway.
4 Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man: ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan.
6 Iyong pahahabain ang buhay ng hari: Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan, upang mapalagi siya.
Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman;
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman para araw-araw kong magawa ang aking mga panata.