< Mga Awit 59 >
1 Iligtas mo ako sa aking mga kaaway, Oh Dios ko: ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
In finem, Ne disperdas, David in tituli inscriptionem, quando misit Saul, et custodivit domum eius, ut eum interficeret. Eripe me de inimicis meis Deus meus: et ab insurgentibus in me libera me.
2 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan, at iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
Eripe me de operantibus iniquitatem: et de viris sanguinum salva me.
3 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa; ang mga makapangyarihan ay nagpipisan laban sa akin: hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
Quia ecce ceperunt animam meam: irruerunt in me fortes.
4 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala: ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
Neque iniquitas mea, neque peccatum meum Domine: sine iniquitate cucurri, et direxi.
5 Sa makatuwid baga'y ikaw, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel, ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa: huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
Exurge in occursum meum, et vide: et tu Domine Deus virtutum, Deus Israel, Intende ad visitandas omnes gentes: non miserearis omnibus, qui operantur iniquitatem.
6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, sila'y nagsitahol na parang aso, at nililigid ang bayan.
Convertentur ad vesperam: et famem patientur ut canes, et circuibunt civitatem.
7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig; mga tabak ay nangasa kanilang mga labi: sapagka't sino, sabi nila, ang nakikinig?
Ecce loquentur in ore suo, et gladius in labiis eorum: quoniam quis audivit?
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, tatawa sa kanila; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
Et tu Domine deridebis eos: ad nihilum deduces omnes Gentes.
9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita; sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
Fortitudinem meam ad te custodiam, quia Deus susceptor meus es:
10 Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin: ipakikita ng Dios sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
Deus meus misericordia eius præveniet me.
11 Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan; pangalatin mo (sila) ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo (sila) Oh Panginoon na kalasag namin.
Deus ostendet mihi super inimicos meos, ne occidas eos: nequando obliviscantur populi mei. Disperge illos in virtute tua: et depone eos protector meus Domine:
12 Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi, makuha nawa (sila) sa kanilang kapalaluan, at dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
Delictum oris eorum, sermonem labiorum ipsorum: et comprehendantur in superbia sua. Et de execratione et mendacio annuntiabuntur
13 Pugnawin mo (sila) sa poot, pugnawin mo (sila) upang sila'y mawala: at ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob, hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
in consummatione: in ira consummationis, et non erunt. Et scient quia Deus dominabitur Iacob: et finium terræ.
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo (sila) pahagulhulin mo silang parang aso, at libutin nila ang bayan.
Convertentur ad vesperam, et famem patientur ut canes: et circuibunt civitatem.
15 Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain, at maghihintay buong gabi kung hindi (sila) mabusog.
Ipsi dispergentur ad manducandum: si vero non fuerint saturati, et murmurabunt.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan; Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan: sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog, at kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
Ego autem cantabo fortitudinem tuam: et exultabo mane misericordiam tuam. Quia factus es susceptor meus, et refugium meum, in die tribulationis meæ.
17 Sa iyo, Oh kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri: sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.
Adiutor meus tibi psallam, quia Deus susceptor meus es: Deus meus misericordia mea.