< Mga Awit 55 >
1 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing.
Przewodnikowi chóru, na Neginot. Pieśń pouczająca Dawida. Boże, nakłoń ucha ku mojej modlitwie i nie ukrywaj się przed moją prośbą.
2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
Posłuchaj uważnie i wysłuchaj mnie; uskarżam się w swej modlitwie i jęczę;
3 Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako.
Z powodu głosu wroga, z powodu ucisku niegodziwego; zwalają na mnie nieprawość i w gniewie sprzeciwiają mi się.
4 Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
Moje serce boleje we mnie i dopadł mnie strach przed śmiercią.
5 Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.
Przyszły na mnie bojaźń i drżenie i przejęła mnie trwoga.
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.
I powiedziałem: O, gdybym miał skrzydła jak gołębica, uleciałbym i odpoczął.
7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)
Oto bym uleciał daleko i zamieszkał na pustyni. (Sela)
8 Ako'y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo.
Pospieszyłbym, aby ujść [przed] wichrem i nawałnicą.
9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan.
Zniszcz, Panie, rozdziel ich język, bo widzę przemoc i niezgodę w mieście.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid (sila) sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
Dniem i nocą krążą wokoło po jego murach, a wewnątrz niego zło i ucisk.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
Wewnątrz niego [jest] niegodziwość, a z jego ulic nie znika oszustwo i podstęp.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya:
Bo [to] nie wróg mnie lżył, co mógłbym znieść; nie powstał przeciwko mnie ten, który mnie nienawidził – [wtedy] ukryłbym się przed nim;
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.
Ale ty, człowiek równy mi, mój wódz i przyjaciel.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios.
Mile naradzaliśmy się ze sobą i razem chodziliśmy do domu Bożego.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila. (Sheol )
Niech śmierć ich zaskoczy, niech żywcem zstąpią do piekła, bo w ich domach i wśród nich [mieszka] zło. (Sheol )
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon.
Ja zaś do Boga zawołam i PAN mnie wybawi.
17 Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig.
Wieczorem, rano i w południe będę się modlić i głośno wołać, a on wysłucha mego głosu.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin: Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
Odkupił moją duszę, abym miał spokój od walki, jaką ze mną toczyli, bo wielu ich było przy mnie.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan (sila) siyang tumatahan ng una. (Selah)
Bóg wysłucha i będzie ich trapić ten, który trwa od wieków. (Sela) [Bo] nie poprawiają się i nie boją się Boga.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya: kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
Podniósł rękę na tych, którzy utrzymywali z nim pokój; złamał swoje przymierze.
21 Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya: nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma: ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis, gayon ma'y mga bunot na tabak.
Gładsze niż masło były [słowa] jego ust, lecz wrogość [miał] w sercu; miększe niż oliwa jego słowa, ale były jak obnażone miecze.
22 Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
Przerzuć swój ciężar na PANA, a on cię podtrzyma; nie dopuści nigdy, by miał się zachwiać sprawiedliwy.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo (sila) sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni't titiwala ako sa iyo.
Ale ty, Boże, wtrącisz ich w dół zatracenia; ludzie krwawi i podstępni nie dożyją połowy swoich dni; ja zaś zaufam tobie.