< Mga Awit 53 >

1 Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak (sila) at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti.
L'insensé dit en son cœur: Il n'y a point de Dieu. Ils se sont corrompus, ils ont commis des iniquités abominables; il n'y a personne qui fasse le bien.
2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tignan kung may sinomang nakakaunawa, na humanap sa Dios.
Dieu, du haut des cieux, jette ses regards sur les fils des hommes, pour voir s'il en est un qui ait de l'intelligence, qui recherche Dieu.
3 Bawa't isa sa kanila ay tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay; walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Ils se sont tous égarés, ils sont corrompus tous ensemble; il n'y en a point qui fasse le bien, non pas même un seul.
4 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan? na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Dios.
N'ont-ils point de connaissance, ceux qui pratiquent l'iniquité? Ils dévorent mon peuple comme s'ils mangeaient du pain; ils n'invoquent point Dieu.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan (sila) na hindi kinaroroonan ng takot: sapagka't pinangalat ng Dios ang mga buto niya na humahantong laban sa iyo; iyong inilagay (sila) sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil (sila) ng Dios.
Là où il n'y avait point de frayeur, ils vont être saisis de frayeur; car Dieu dispersera les os de ceux qui campent contre toi; tu les rendras confus, car Dieu les a rejetés.
6 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion. Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.
Qui fera sortir de Sion la délivrance d'Israël? Quand Dieu ramènera son peuple captif, Jacob sera dans l'allégresse, Israël se réjouira.

< Mga Awit 53 >