< Mga Awit 5 >

1 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
Makinig ka sa aking panawagan sa iyo, Yahweh; isipin mo ang aking mga daing.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako.
Makinig ka sa tunog ng aking panawagan, aking Hari at aking Diyos, dahil sa iyo ako nananalangin.
3 Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
Yahweh, sa umaga naririnig mo ang aking iyak; sa umaga dadalhin ko ang aking kahilingan sa iyo at maghihintay nang may pananabik.
4 Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan: ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
Tiyak ngang hindi ka ang Diyos na pinahihintulutan ang kasamaan; ang mga masasamang tao ay hindi mo magiging mga panauhin.
5 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin: iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
Ang mayabang ay hindi tatayo sa harapan mo; kinamumuhian mo ang lahat nang kumikilos nang masama.
6 Iyong lilipulin (sila) na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
Wawasakin mo ang mga sinungaling; hinahamak ni Yahweh ang mga mararahas at mandarayang mga tao.
7 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
Pero para sa akin, dahil sa iyong dakilang katapatan sa tipan, papasok ako sa iyong tahanan; sa paggalang, ako ay yuyuko sa dako ng iyong banal na templo.
8 Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
O Panginoon, akayin mo ako sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; gawin mong tuwid ang iyong landas sa harap ko.
9 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
Dahil walang katotohanan sa kanilang bibig; ang kanilang panloob na pagkatao ay masama; ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan; nang-uuto (sila) gamit ang kanilang dila.
10 Bigyan mong sala (sila) Oh Dios; ibuwal mo (sila) sa kanilang sariling mga payo: palayasin mo (sila) sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
Ihayag mong (sila) ay may sala, O Diyos; nawa ang kanilang mga balakin ang magpabagsak sa kanila! Itaboy mo (sila) dahil sa maraming kasalanan nila, dahil (sila) ay sumuway laban sa iyo.
11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa (sila) sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang (sila) mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
Pero nawa ang lahat ng kumukubli sa iyo ay magalak; hayaan mo silang laging sumigaw sa galak dahil ipinagtatanggol mo (sila) hayaan mo silang magalak sa iyo, (sila) na nagmamahal sa iyong pangalan.
12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.
Dahil pagpapalain mo ang matuwid, Yahweh; palilibutan mo (sila) ng pagpapala tulad ng isang kalasag.

< Mga Awit 5 >