< Mga Awit 49 >
1 Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig:
In finem, filiis Core. Psalmus. Audite hæc, omnes gentes; auribus percipite, omnes qui habitatis orbem:
2 Ng mababa at gayon din ng mataas, ng mayaman at ng dukha na magkasama.
quique terrigenæ et filii hominum, simul in unum dives et pauper.
3 Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
Os meum loquetur sapientiam, et meditatio cordis mei prudentiam.
4 Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga: ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa.
Inclinabo in parabolam aurem meam; aperiam in psalterio propositionem meam.
5 Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan, pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
Cur timebo in die mala? iniquitas calcanei mei circumdabit me.
6 Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan;
Qui confidunt in virtute sua, et in multitudine divitiarum suarum, gloriantur.
7 Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
Frater non redimit, redimet homo: non dabit Deo placationem suam,
8 (Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man: )
et pretium redemptionis animæ suæ. Et laborabit in æternum;
9 Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.
et vivet adhuc in finem.
10 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.
Non videbit interitum, cum viderit sapientes morientes: simul insipiens et stultus peribunt. Et relinquent alienis divitias suas,
11 Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man, at ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi; tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
et sepulchra eorum domus illorum in æternum; tabernacula eorum in progenie et progenie: vocaverunt nomina sua in terris suis.
12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan: siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.
Et homo, cum in honore esset, non intellexit. Comparatus est jumentis insipientibus, et similis factus est illis.
13 Itong kanilang lakad ay kanilang kamangmangan: gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah)
Hæc via illorum scandalum ipsis; et postea in ore suo complacebunt.
14 Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan. (Sheol )
Sicut oves in inferno positi sunt: mors depascet eos. Et dominabuntur eorum justi in matutino; et auxilium eorum veterascet in inferno a gloria eorum. (Sheol )
15 Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah) (Sheol )
Verumtamen Deus redimet animam meam de manu inferi, cum acceperit me. (Sheol )
16 Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:
Ne timueris cum dives factus fuerit homo, et cum multiplicata fuerit gloria domus ejus:
17 Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.
quoniam, cum interierit, non sumet omnia, neque descendet cum eo gloria ejus.
18 Bagaman habang siya'y nabuhay ay kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa, (at pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili),
Quia anima ejus in vita ipsius benedicetur; confitebitur tibi cum benefeceris ei.
19 Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang; hindi (sila) makakakita kailan man ng liwanag.
Introibit usque in progenies patrum suorum; et usque in æternum non videbit lumen.
20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay.
Homo, cum in honore esset, non intellexit. Comparatus est jumentis insipientibus, et similis factus est illis.