< Mga Awit 48 >
1 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.
Dakila si Yahweh at lubos na dakila para purihin, sa lungsod ng ating Diyos sa kaniyang bundok na banal.
2 Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.
Ang pagiging matayog nito ay kay gandang pagmasdan, ang kagalakan ng buong mundo, ay ang Bundok ng Sion, sa mga dako ng hilaga, ang lungsod ng Haring dakila.
3 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
Nagpakilala ang Diyos sa kaniyang mga palasyo bilang isang kublihan.
4 Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.
Pero, tingnan niyo, ang mga hari ay pinulong ang kanilang mga sarili; (sila) ay dumaan nang magkakasama.
5 Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga (sila) sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.
Nakita nila ito, pagkatapos (sila) ay namangha, (sila) ay nasiraan ng loob at nagmamadaling lumayo.
6 Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
Pangangatog ang bumalot sa kanila doon, sakit gaya ng isang babaeng nanganganak.
7 Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
Sa pamamagitan ng hangin ng silangan sinira mo ang mga barko ng Tarsis.
8 Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
Gaya ng aming narinig, ay ganoon din ang aming nakita sa lungsod ni Yahweh ng mga hukbo, sa lungsod ng ating Diyos; itatatag ito ng Diyos magpakailanman. (Selah)
9 Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo.
Naalala namin ang tungkol sa iyong katapatan sa tipan, O Diyos, sa gitna ng iyong templo.
10 Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
Gaya ng iyong pangalan, O Diyos, gayundin ang papuri sa iyo hanggang sa mga dulo ng mundo; ang iyong kanang kamay ay puno ng katuwiran.
11 Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan.
Hayaan mong ang Bundok ng Sion ay matuwa, hayaan mong ang mga anak na babae ng Juda ay magsaya dahil sa iyong makatuwirang mga kautusan.
12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon.
Maglakad sa palibot ng Bundok Sion, umikot ka sa kaniya; bilangin mo ang kaniyang mga tore,
13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi.
masdan mong mabuti ang kaniyang mga pader, at tingnan ang kaniyang mga palasyo nang sa gayon masabi mo ito sa susunod na salinlahi.
14 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.
Dahil ang Diyos na ito ang ating Diyos magpakailanpaman; siya ang ating magiging gabay hanggang sa kamatayan.