< Mga Awit 47 >

1 Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
εἰς τὸ τέλος ὑπὲρ τῶν υἱῶν Κορε ψαλμός πάντα τὰ ἔθνη κροτήσατε χεῖρας ἀλαλάξατε τῷ θεῷ ἐν φωνῇ ἀγαλλιάσεως
2 Sapagka't ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
ὅτι κύριος ὕψιστος φοβερός βασιλεὺς μέγας ἐπὶ πᾶσαν τὴν γῆν
3 Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
ὑπέταξεν λαοὺς ἡμῖν καὶ ἔθνη ὑπὸ τοὺς πόδας ἡμῶν
4 Kaniyang ipipili tayo ng ating mana, ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
ἐξελέξατο ἡμῖν τὴν κληρονομίαν αὐτοῦ τὴν καλλονὴν Ιακωβ ἣν ἠγάπησεν διάψαλμα
5 Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
ἀνέβη ὁ θεὸς ἐν ἀλαλαγμῷ κύριος ἐν φωνῇ σάλπιγγος
6 Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
ψάλατε τῷ θεῷ ἡμῶν ψάλατε ψάλατε τῷ βασιλεῖ ἡμῶν ψάλατε
7 Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
ὅτι βασιλεὺς πάσης τῆς γῆς ὁ θεός ψάλατε συνετῶς
8 Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
ἐβασίλευσεν ὁ θεὸς ἐπὶ τὰ ἔθνη ὁ θεὸς κάθηται ἐπὶ θρόνου ἁγίου αὐτοῦ
9 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi.
ἄρχοντες λαῶν συνήχθησαν μετὰ τοῦ θεοῦ Αβρααμ ὅτι τοῦ θεοῦ οἱ κραταιοὶ τῆς γῆς σφόδρα ἐπήρθησαν

< Mga Awit 47 >