< Mga Awit 44 >

1 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una.
MAING Kot, se ronger ki salong at, sam at oko kasokasoi ong kit er, me kom kotin wiadar ni ar ansau mas.
2 Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, nguni't itinatag mo (sila) iyong dinalamhati ang mga bayan, nguni't iyong pinangalat (sila)
Kom kotin pakiweier men liki kan ki lim omui, ap wilian ir di; kom kotin koko sang wei kan, ap id katotoe ir ala.
3 Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man (sila) ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap (sila)
Pwe re sota kaloedier sap o ki ar kodlas, o pa arail sota katepa ong ir, pwe pali maun omui o lim omui, o marain en silang omui; pweki kom kotin kupura irail er.
4 Ikaw ang aking Hari, Oh Dios: magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
Pwe komui Kot ai Nanmarki, me inauki ong Iakop, en sauasa i.
5 Dahil sa iyo'y itutulak namin ang aming mga kaaway: sa iyong pangalan ay yayapakan namin (sila) na nagsisibangon laban sa amin.
Komui, me se pan kawekila at imwintiti kan; ni mar omui me se pan tiakekidi me kin palian kit.
6 Sapagka't hindi ako titiwala sa aking busog, ni ililigtas man ako ng aking tabak.
Pwe i sota kin kaporoporeki ai kasik katieu, o ai kodlas sota kak dore ia la.
7 Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway, at inilagay mo (sila) sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.
Pwe komui me kin sauasa kit sang at imwintiti kan, o kom kin kanamenokala, me kailong kin kit.
8 Sa Dios ay naghahambog kami buong araw, at mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)
Ran karos se pan kapinga Kot, o se pan danke ong mar omui kokolata. (Sela)
9 Nguni't ngayo'y itinakuwil mo kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri; at hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.
Ari so, kom kotin likidmalie kin kit ala, pwe sen lisela, o komui sota iang at karis akan.
10 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway: at silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili.
Kom kotin mueid ong at imwintiti, ren paki kit wei, o me kailong kin kit, kin kulia sang at kapwa.
11 Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain; at pinangalat mo kami sa mga bansa.
Kom kotin mueid ong ir, ren kawe kit ala dueta sip oko, o kom kotin kamueit kit pasang nan pung en men liki kan.
12 Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad, at hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga.
Kom netikila sapwilim omui kan ni pwai sued, a komui ap sota kapwapwa kilar.
13 Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa, isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.
Kom kin kotin wiai ong kit, sen kankaurur ren men imp at, o lalaue o sarodi ren me kapil kit pena.
14 Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa, at kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.
Kom kotin wia kin kit karasepa eu ren men liki kan o aramas akan kin dueduälok kin kit.
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri, at ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,
I kin saro nin ran karos o mas ai me dir en namenok,
16 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw; dahil sa kaaway at sa manghihiganti.
Ni ai rongerong aramas morsued o lalaue, o ni ai kilekilang ai imwintiti o me kin akdepuk kan.
17 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka, ni gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan.
Mepukat karos lel dong kit er, ari so, se sota kak monokela komui, de wia dip ong sapwilim omui inau.
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod, ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan;
Mongiong at sota pupwei sang komui, o se sota wuki wei sang al omui.
19 Na kami ay iyong lubhang nilansag sa dako ng mga chakal, at tinakpan mo kami ng lilim ng kamatayan.
A komui kawe kit alar ni wasan man sued, o kom kadupale kidi mot en mela.
20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios, O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;
Ma se monokela mar en at Kol, o pokada pa at ong amen kot,
21 Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios? Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
Kot sota pan kotin diarada? Pwe a kotin mangi lol en mongiong at.
22 Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
Pwe kit kin kalokoloke kin komui ni ran karos, o kit rasong sip me pan kamela.
23 Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon? Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
Maing, kom kotida! Da me kom kotin saimokela? Kotin opada wasa, o der kasapoke kit ala kokolata!
24 Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha, at kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
Da me kom kotin karirila silang omui, o kotin maliela at luet o at kalokolok?
25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
Pwe ngen it poridier ni pwel par; kaped it pas ong pwel.
26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.
Kom kotida, sauasa kit, o dore kit ala pweki omui kalangan.

< Mga Awit 44 >