< Mga Awit 39 >

1 Aking sinabi, ako'y magiingat sa aking mga lakad, upang huwag akong magkasala ng aking dila: aking iingatan ang aking dila ng paningkaw, samantalang ang masama ay nasa harap ko.
I SAID, I will take heed to my ways, that I sin not with my tongue: I will keep my mouth with a bridle, while the wicked is before me.
2 Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti; at ang aking kalungkutan ay lumubha.
I was dumb with silence, I held my peace, even from good; and my sorrow was stirred.
3 Ang aking puso ay mainit sa loob ko; habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy: nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
My heart was hot within me, while I was musing the fire burned: then spake I with my tongue,
4 Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
Lord, make me to know mine end, and the measure of my days, what it is; that I may know how frail I am.
5 Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)
Behold, thou hast made my days as an handbreadth; and mine age is as nothing before thee: verily every man at his best state is altogether vanity. (Selah)
6 Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
Surely every man walketh in a vain shew: surely they are disquieted in vain: he heapeth up riches, and knoweth not who shall gather them.
7 At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pagasa ay nasa iyo.
And now, Lord, what wait I for? my hope is in thee.
8 Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang: huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
Deliver me from all my transgressions: make me not the reproach of the foolish.
9 Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig; sapagka't ikaw ang gumawa.
I was dumb, I opened not my mouth; because thou didst it.
10 Iurong mo sa akin ang iyong suntok: ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
Remove thy stroke away from me: I am consumed by the blow of thine hand.
11 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao, iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga: tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
When thou with rebukes dost correct man for iniquity, thou makest his beauty to consume away like a moth: surely every man is vanity. (Selah)
12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha: sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang.
Hear my prayer, O Lord, and give ear unto my cry; hold not thy peace at my tears: for I am a stranger with thee, and a sojourner, as all my fathers were.
13 Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas, Bago ako manaw, at mawala.
O spare me, that I may recover strength, before I go hence, and be no more.

< Mga Awit 39 >