< Mga Awit 33 >
1 Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid.
Αγάλλεσθε, δίκαιοι, εν Κυρίω· εις τους ευθείς αρμόζει η αίνεσις.
2 Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon na may alpa: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
Υμνείτε τον Κύριον εν κιθάρα· εν ψαλτηρίω δεκαχόρδω ψαλμωδήσατε εις αυτόν.
3 Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit; magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
Ψάλλετε εις αυτόν άσμα νέον· καλώς σημαίνετε τα όργανά σας εν αλαλαγμώ.
4 Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid; at lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
Διότι ευθύς είναι ο λόγος του Κυρίου, και πάντα τα έργα αυτού μετά αληθείας.
5 Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan: ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon.
Αγαπά δικαιοσύνην και κρίσιν· από του ελέους του Κυρίου είναι πλήρης η γη.
6 Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
Με τον λόγον του Κυρίου έγειναν οι ουρανοί, και διά της πνοής του στόματος αυτού πάσα η στρατιά αυτών.
7 Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
Συνήγαγεν ως σωρόν τα ύδατα της θαλάσσης· έβαλεν εις αποθήκας τας αβύσσους.
8 Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
Ας φοβηθή τον Κύριον πάσα η γή· ας τρομάξωσιν απ' αυτού πάντες οι κάτοικοι της οικουμένης.
9 Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag.
Διότι αυτός είπε, και έγεινεν· αυτός προσέταξε, και εστερεώθη.
10 Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa: kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
Ο Κύριος ματαιόνει την βουλήν των εθνών, ανατρέπει τους διαλογισμούς των λαών.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man, ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
Η βουλή του Κυρίου μένει εις τον αιώνα· οι λογισμοί της καρδίας αυτού εις γενεάν και γενεάν.
12 Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
Μακάριον το έθνος, του οποίου ο Θεός είναι ο Κύριος. Ο λαός, τον οποίον εξέλεξε διά κληρονομίαν αυτού.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit; kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
Ο Κύριος διέκυψεν εξ ουρανού· είδε πάντας τους υιούς των ανθρώπων.
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat na nangananahan sa lupa;
Εκ του τόπου της κατοικήσεως αυτού θεωρεί πάντας τους κατοίκους της γης.
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat, na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
Εξ ίσου έπλασε τας καρδίας αυτών· γνωρίζει πάντα τα έργα αυτών.
16 Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo: ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
Δεν σώζεται βασιλεύς διά πλήθους στρατεύματος· ο δυνατός δεν ελευθερούται διά της μεγάλης αυτού ανδρείας.
17 Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
Μάταιος ο ίππος προς σωτηρίαν· και διά της πολλής αυτού δυνάμεως δεν θέλει σώσει.
18 Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
Ιδού, ο οφθαλμός του Κυρίου είναι επί τους φοβουμένους αυτόν· επί τους ελπίζοντας επί το έλεος αυτού·
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at upang ingatan silang buhay sa kagutom.
διά να ελευθερώση εκ θανάτου την ψυχήν αυτών, και εν καιρώ πείνης να διαφυλάξη αυτούς εις ζωήν.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at aming kalasag.
Η ψυχή ημών προσμένει τον Κύριον· αυτός είναι βοηθός ημών και ασπίς ημών.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
Διότι εις αυτόν θέλει ευφρανθή η καρδία ημών, επειδή επί το όνομα αυτού το άγιον ηλπίσαμεν.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ayon sa aming pagasa sa iyo.
Γένοιτο, Κύριε, το έλεός σου εφ' ημάς, καθώς ηλπίσαμεν επί σε.