< Mga Awit 31 >
1 Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; huwag akong mapahiya kailan man; palayain mo ako sa iyong katuwiran.
У Тебе се, Господе, уздам; немој ме оставити под срамотом довека, по правди својој избави ме.
2 Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, bahay na sanggalangan upang iligtas ako.
Пригни к мени ухо своје, похитај, помози ми. Буди ми камени град, тврда ограда, где бих се спасао.
3 Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.
Јер си Ти камена гора моја и ограда моја, имена свог ради води ме и управљај мном.
4 Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.
Извади ме из мреже коју ми тајно заместише; јер си Ти крепост моја.
5 Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa; iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.
У Твоју руку предајем дух свој; избављао си ме, Господе, Боже истинити!
6 Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan: nguni't tumitiwala ako sa Panginoon.
Ненавидим оне који поштују пропадљиве идоле; ја се у Господа уздам.
7 Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob: sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian: iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan:
Радоваћу се и веселити се о милости Твојој, кад погледаш на моју муку, познаш тугу душе моје,
8 At hindi mo kinulong sa kamay ng kaaway; iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako.
Не даш ме у руку непријатељу, поставиш ноге моје на пространом месту.
9 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan: ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
Смилуј се на ме, Господе; јер ме је туга, од јада изнеможе око моје, душа моја и срце моје;
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan, at ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga: ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan, at ang aking mga buto ay nangangatog.
Ишчиле у жалости живот мој, и године моје у уздисању; ослаби од муке крепост моја, и кости моје сасахнуше.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako, Oo, lubha nga sa aking mga kapuwa, at takot sa aking mga kakilala: silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
Од мноштва непријатеља својих постадох подсмех и суседима својим, и страшило знанцима својим; који ме виде на улици беже од мене.
12 Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao: Ako'y parang basag na sisidlan.
Заборављен сам као мртав, нема ме у срцима; ја сам као разбијен суд.
13 Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa bawa't dako. Samantalang sila'y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin, kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
Јер слушам грдњу од многих, од свуда страх, кад се договарају на ме, мисле ишчупати душу моју.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon: aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
А ја се, Господе, у Тебе уздам и велим: Ти си Бог мој.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa iyong kamay: iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
У Твојој су руци дани моји; отми ме из руку непријатеља мојих, и од оних, који ме гоне.
16 Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod: iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
Покажи светло лице своје слузи свом; спаси ме милошћу својом.
17 Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo: mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa (sila) sa Sheol. (Sheol )
Господе! Немој ме оставити под срамотом; јер Тебе призивам. Нек се посраме безбожници, нека замукну и падну у пакао. (Sheol )
18 Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi; na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan, ng kapalaluan at paghamak.
Нека онеме уста лажљива, која говоре на праведника обесно, охоло и с поругом.
19 Oh pagkadakila ng iyong kabutihan, na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo, na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo, sa harap ng mga anak ng mga tao!
Како је много у Тебе добра, које чуваш за оне који Те се боје, и које дајеш онима који се у Те уздају пред синовима човечијим!
20 Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli (sila) sa mga banta ng mga tao: iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila.
Сакриваш их под кров лица свог од буна људских; склањаш их под сен од свадљивих језика.
21 Purihin ang Panginoon: sapagka't ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob sa isang matibay na bayan.
Да је благословен Господ, што ми показа дивну милост као да ме уведе у тврд град!
22 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali, nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata: gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik, nang ako'y dumaing sa iyo.
Ја рекох у сметњи својој: Одбачен сам од очију Твојих; али Ти чу молитвени глас мој кад Те призвах.
23 Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya: pinalalagi ng Panginoon ang tapat, at pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
Љубите Господа сви свети Његови; Господ држи веру; и увршено враћа онима који поступају охоло.
24 Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso, kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.
Будите слободни, и нека буде јако срце ваше, сви који се у Господа уздате.