< Mga Awit 30 >

1 Dadakilain kita, Oh Panginoon; sapagka't itinindig mo ako, at hindi mo pinagalak sa akin ang aking mga kaaway.
מזמור שיר-חנכת הבית לדוד ב ארוממך יהוה כי דליתני ולא-שמחת איבי לי
2 Oh Panginoon kong Dios, dumaing ako sa iyo, at ako'y pinagaling mo.
יהוה אלהי-- שועתי אליך ותרפאני
3 Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. (Sheol h7585)
יהוה--העלית מן-שאול נפשי חייתני מיורדי- (מירדי-) בור (Sheol h7585)
4 Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya, at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.
זמרו ליהוה חסידיו והודו לזכר קדשו
5 Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
כי רגע באפו-- חיים ברצונו בערב ילין בכי ולבקר רנה
6 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man.
ואני אמרתי בשלוי-- בל-אמוט לעולם
7 Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag.
יהוה-- ברצונך העמדתה להררי-עז הסתרת פניך הייתי נבהל
8 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:
אליך יהוה אקרא ואל-אדני אתחנן
9 Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?
מה-בצע בדמי ברדתי אל-שחת היודך עפר היגיד אמתך
10 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita.
שמע-יהוה וחנני יהוה היה-עזר לי
11 Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:
הפכת מספדי למחול לי פתחת שקי ותאזרני שמחה
12 Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.
למען יזמרך כבוד-- ולא ידם יהוה אלהי לעולם אודך

< Mga Awit 30 >