< Mga Awit 28 >

1 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako; bato ko, huwag kang magpakabingi sa akin: baka kung ikaw ay tumahimik sa akin, ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
לדוד אליך יהוה אקרא-- צורי אל-תחרש ממני פן-תחשה ממני ונמשלתי עם-יורדי בור
2 Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo, pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
שמע קול תחנוני בשועי אליך בנשאי ידי אל-דביר קדשך
3 Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama, at ng mga manggagawa ng kasamaan; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
אל-תמשכני עם-רשעים ועם-פעלי-און דברי שלום עם-רעיהם ורעה בלבבם
4 Bigyan mo (sila) ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain: gantihin mo (sila) ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay. Bayaran mo (sila) ng ukol sa kanila,
תן-להם כפעלם וכרע מעלליהם כמעשה ידיהם תן להם השב גמולם להם
5 Sapagka't ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon, ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay, kaniyang ibabagsak (sila) at hindi (sila) itatayo.
כי לא יבינו אל-פעלת יהוה-- ואל-מעשה ידיו יהרסם ולא יבנם
6 Purihin ang Panginoon, sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
ברוך יהוה כי-שמע קול תחנוני
7 Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit.
יהוה עזי ומגני-- בו בטח לבי ונעזרתי ויעלז לבי ומשירי אהודנו
8 Ang Panginoon ay kanilang kalakasan, at siya'y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
יהוה עז-למו ומעוז ישועות משיחו הוא
9 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong pamana: naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo (sila) magpakailan man.
הושיעה את-עמך-- וברך את-נחלתך ורעם ונשאם עד-העולם

< Mga Awit 28 >