< Mga Awit 21 >

1 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon; at sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya!
“To the chief musician, a psalm of David.” O Lord, because of thy strength will the king rejoice; and through thy salvation how greatly will he be glad!
2 Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso, at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
The longing of his heart hast thou given him, and the request of his lips hast thou not withholden. (Selah)
3 Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan: iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo.
For thou meetest him unasked with the blessings of happiness: thou settest on his head a crown of pure gold.
4 Siya'y humingi ng buhay sa iyo, iyong binigyan siya; pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man.
Life hath he asked of thee, thou gavest it to him, length of days for ever and ever.
5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas: karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
Great is his honor through thy help: glory and majesty thou layest upon him.
6 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man: iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
For thou appointest him to be a blessing for ever: thou makest him glad with joy from thy presence.
7 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos.
For the king trusteth in the Lord; and through the kindness of the Most High shall he not be moved.
8 Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo.
Thy hand will reach all thy enemies: thy right hand will reach those that hate thee.
9 Iyong gagawin (sila) na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin (sila) ng Panginoon sa kaniyang poot, at susupukin (sila) ng apoy.
Thou wilt render them as a fiery oven at the time of thy anger: the Lord in his wrath will destroy them, and a fire will devour them.
10 Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Their fruit wilt thou cause to perish from the earth, and their seed from among the children of men.
11 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa.
For they directed against thee evil: they devised a mischievous purpose, which they were not able to perform.
12 Sapagka't iyong patatalikurin (sila) ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.
For thou wilt make them turn their back; upon thy bow-strings thou wilt make ready [thy arrows] against their face.
13 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
Exalt thyself, O Lord, in thy strength; [and] we will sing and praise thy power.

< Mga Awit 21 >