< Mga Awit 149 >
1 Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal.
Αινείτε τον Κύριον. Ψάλατε εις τον Κύριον ωδήν νέαν, την αίνεσιν αυτού εν τη συνάξει των οσίων.
2 Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
Ας ευφραίνεται ο Ισραήλ εις τον Ποιητήν αυτού· οι υιοί της Σιών ας αγάλλωνται εις τον Βασιλέα αυτών.
3 Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit (sila) ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
Ας αινώσι το όνομα αυτού χοροστατούντες· εν τυμπάνω και κιθάρα ας ψαλμωδώσιν εις αυτόν.
4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
Διότι ο Κύριος ευδοκεί εις τον λαόν αυτού· θέλει δοξάσει τους πράους εν σωτηρία.
5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian: magsiawit (sila) sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
Οι όσιοι θέλουσιν αγάλλεσθαι εν δόξη· θέλουσιν αγάλλεσθαι επί τας κλίνας αυτών.
6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
Αι εξυμνήσεις του Θεού θέλουσιν είσθαι εν τω λάρυγγι αυτών, και ρομφαία δίστομος εν τη χειρί αυτών·
7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa, at mga parusa sa mga bayan;
διά να κάμνωσιν εκδίκησιν εις τα έθνη, παιδείαν εις τους λαούς·
8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala, at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
διά να δέσωσι τους βασιλείς αυτών με αλύσεις· και τους ενδόξους αυτών με δεσμά σιδηρά·
9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat: mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal. Purihin ninyo ang Panginoon.
διά να κάμωσιν επ' αυτούς την γεγραμμένην κρίσιν. Η δόξα αύτη θέλει είσθαι εις πάντας τους οσίους αυτού. Αλληλούϊα.