< Mga Awit 140 >

1 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao:
Načelniku godbe, psalm Davidov. Reši me, Gospod, hudobnih ljudî; mož presilovitih brani me,
2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso: laging nagpipipisan (sila) sa pagdidigma.
Kateri mislijo hudo v srci; vsak dan se shajajo – na vojsko.
3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
Brusijo jezik svoj, podoben kačjemu; strup gadji je pod njih ustnami.
4 Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo ako sa marahas na tao: na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
Reši me, Gospod, rok krivičnih, mož presilovitih brani me, ki mislijo izpodbiti mi noge.
5 Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
Skrivali so mi prevzetniki zanko in vrvi; razgrinjali mi mrežo poleg pota.
6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko: Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
Rekel sem Gospodu; Bog mogočni si moj; čuj, Gospod, molitev mojih glas.
7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
Gospod, Bog, moč blaginje moje; glavo si mojo pokril o boja času.
8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka sila'y mangagmalaki. (Selah)
Ne dopústi, Gospod, kar želi krivični; pregrešne misli njegove ne pospešuj; povzdigovali bi se presilno.
9 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan (sila) ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
Glave njih, ki me obdajajo, – ustnic njih nadloga naj jih pokrije.
10 Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis (sila) sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
Žarjavica pridi nadnje; v ogenj naj jih vrže, v jame, da ne vstanejo.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa: huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
Mož prokleti ne utrdi se na zemlji; mož silovitosti, njega naj udari pogin.
12 Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan.
Vem, da bode Gospod pravdo vodil siromaku, pravico potrebnim.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan: ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.
Dà, pravični bodo slavili ime tvoje; pošteni sedeli pred tvojim obličjem.

< Mga Awit 140 >