< Mga Awit 140 >
1 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao:
To the chief Musician, A Psalm of David. Deliver me, O LORD, from the evil man: preserve me from the violent man;
2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso: laging nagpipipisan (sila) sa pagdidigma.
Which imagine mischiefs in [their] heart; continually are they gathered together [for] war.
3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
They have sharpened their tongues like a serpent; adders’ poison [is] under their lips. (Selah)
4 Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo ako sa marahas na tao: na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
Keep me, O LORD, from the hands of the wicked; preserve me from the violent man; who have purposed to overthrow my goings.
5 Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
The proud have hid a snare for me, and cords; they have spread a net by the wayside; they have set gins for me. (Selah)
6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko: Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
I said unto the LORD, Thou [art] my God: hear the voice of my supplications, O LORD.
7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
O GOD the Lord, the strength of my salvation, thou hast covered my head in the day of battle.
8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka sila'y mangagmalaki. (Selah)
Grant not, O LORD, the desires of the wicked: further not his wicked device; [lest] they exalt themselves. (Selah)
9 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan (sila) ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
[As for] the head of those that compass me about, let the mischief of their own lips cover them.
10 Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis (sila) sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
Let burning coals fall upon them: let them be cast into the fire; into deep pits, that they rise not up again.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa: huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
Let not an evil speaker be established in the earth: evil shall hunt the violent man to overthrow [him].
12 Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan.
I know that the LORD will maintain the cause of the afflicted, [and] the right of the poor.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan: ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.
Surely the righteous shall give thanks unto thy name: the upright shall dwell in thy presence.