< Mga Awit 137 >

1 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion.
על נהרות בבל--שם ישבנו גם-בכינו בזכרנו את-ציון
2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa.
על-ערבים בתוכה-- תלינו כנרותינו
3 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi: Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
כי שם שאלונו שובינו דברי-שיר-- ותוללינו שמחה שירו לנו משיר ציון
4 Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain?
איך--נשיר את-שיר-יהוה על אדמת נכר
5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem, kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
אם-אשכחך ירושלם-- תשכח ימיני
6 Dumikit nawa ang aking dila sa ngalangala ng aking bibig, kung hindi kita alalahanin; kung hindi ko piliin ang Jerusalem ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
תדבק-לשוני לחכי-- אם-לא אזכרכי אם-לא אעלה את-ירושלם-- על ראש שמחתי
7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban sa mga anak ni Edom ang kaarawan ng Jerusalem; na nagsabi, Sirain, sirain, pati ng patibayan niyaon.
זכר יהוה לבני אדום-- את יום ירושלם האמרים ערו ערו-- עד היסוד בה
8 Oh anak na babae ng Babilonia, na sira; magiging mapalad siya, na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin.
בת-בבל השדודה אשרי שישלם-לך-- את-גמולך שגמלת לנו
9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata sa malaking bato.
אשרי שיאחז ונפץ את-עלליך-- אל-הסלע

< Mga Awit 137 >