< Mga Awit 129 >

1 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
Cantique des degrés. Ils m’ont souvent opprimé dès ma jeunesse, – qu’Israël le dise, –
2 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi (sila) nanganaig laban sa akin.
Ils m’ont souvent opprimé dès ma jeunesse; cependant ils n’ont pas prévalu sur moi.
3 Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
Des laboureurs ont labouré mon dos, ils y ont tracé leurs longs sillons.
4 Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
L’Éternel est juste; il a coupé les cordes des méchants.
5 Mapahiya (sila) at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
Qu’ils soient couverts de honte, et se retirent en arrière, tous ceux qui haïssent Sion.
6 Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:
Qu’ils soient comme l’herbe des toits, qui sèche avant qu’on l’arrache,
7 Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
Dont le moissonneur ne remplit pas sa main, ni le lieur de gerbes son sein; …
8 Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
Et les passants ne disent pas: La bénédiction de l’Éternel soit sur vous! nous vous bénissons au nom de l’Éternel.

< Mga Awit 129 >