< Mga Awit 126 >

1 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
都もうでの歌 主がシオンの繁栄を回復されたとき、われらは夢みる者のようであった。
2 Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan (sila) ng Panginoon ng mga dakilang bagay.
その時われらの口は笑いで満たされ、われらの舌は喜びの声で満たされた。その時「主は彼らのために大いなる事をなされた」と言った者が、もろもろの国民の中にあった。
3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.
主はわれらのために大いなる事をなされたので、われらは喜んだ。
4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan.
主よ、どうか、われらの繁栄を、ネゲブの川のように回復してください。
5 (Sila) na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
涙をもって種まく者は、喜びの声をもって刈り取る。
6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
種を携え、涙を流して出て行く者は、束を携え、喜びの声をあげて帰ってくるであろう。

< Mga Awit 126 >