< Mga Awit 125 >

1 Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman.
2 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem, gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan, mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
Gaya ng mga bundok na nakapalibot sa Jerusalem, gayundin nakapalibot si Yahweh sa kaniyang bayan ngayon at magpakailanman.
3 Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid; upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
Ang setro ng kasamaan ay hindi dapat mamuno sa lupain ng mga matutuwid. Kung hindi, ang mga matutuwid ay maaring gawin kung ano ang mali.
4 Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti, at yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
Yahweh, gumawa ka ng mabuti, sa kanilang mga mabuti at sa mga matuwid sa kanilang mga puso.
5 Nguni't sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad, ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan. Kapayapaan nawa ay suma Israel.
Pero para naman sa kanilang mga lumilihis para sa kanilang masasamang pamamaraan, itataboy (sila) ni Yahweh kasama ang mga gumagawa ng masasama. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.

< Mga Awit 125 >