< Mga Awit 121 >
1 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
Canto dei pellegrinaggi. Io alzo gli occhi ai monti… Donde mi verrà l’aiuto?
2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
Il mio aiuto vien dall’Eterno che ha fatto il cielo e la terra.
3 Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
Egli non permetterà che il tuo piè vacilli; colui che ti protegge non sonnecchierà.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
Ecco, colui che protegge Israele non sonnecchierà né dormirà.
5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
L’Eterno è colui che ti protegge; l’Eterno è la tua ombra; egli sta alla tua destra.
6 Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
Di giorno il sole non ti colpirà, né la luna di notte.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
L’Eterno ti proteggerà da ogni male, egli proteggerà l’anima tua.
8 Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
L’Eterno proteggerà il tuo uscire e il tuo entrare da ora in eterno.